Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Shalala, umaasang maibabalik ang sigla ng TV5

00 fact sheet reggeeNAKITA namin ang radio host/comedian na si Shalala sa True Value store, Robinson’s Magnolia noong Huwebes ng gabi at namamakyaw ng malalaking jar na lagayan ng juices dahil sale.

Kung hindi kami nagkakamali ay mga limang malalaking boxes ang binili niya at ipangre-regalo raw niya.

“Ang mura kasi at sosyal pa ang dating, eh, ‘di ba. Maganda ito ‘pag may handaan ka. Ipangre-regalo ko ‘yung iba, sa akin ‘yun isa,” sabi ni Shalala noong biruin namin.

Kinumusta na rin namin ang radio host/comedian kung saan na siya ngayon.

“Nasa DZRJ 810khz na ako ngayon at heto may mga raket din sa PR. Ako hahawak ng TV promo ng ‘Mang Kepweng’ ni Vhong Navarro, kasama sa MMFF,” say ni Shalala sa amin.

Biglang nalungkot si Shalala nang kumustahin din namin sa kanya ang TV5 na buong akala namin ay may radio show siya roon.

“Nakalulunggkot ‘no? Parang kailan lang. Actually may offer sa akin na radio program, eh, natatakot naman ako. Kasi sa gabi ang oras, eh, mag-isa na lang akong umaakyat doon, natatakot naman ako. Wala na kasing taong natira,”seryosong sabi ni Shalala.

Ibig sabihin ng komedyante ay iilan na lang ang natirang staff sa TV5 kasi nga maraming nawala na at ang laki ng opisina nila sa may Reliance, Mandaluyong City kaya natatakot siya lalo’t gabi ang offer sa kanyang timeslot.

Umaasa naman daw si Shalala na maibabalik ang dating sigla ng TV5 lalo na sa entertainment dahil maayos naman daw katrabaho lahat ng staff doon.

Maya-maya ay nagpaalam na ang radio host/comedian dahil may lakad pa raw sila ng kasama niya at sabay sabing, ”see you sa mga presscon.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …