ROXAS CITY – Patay ang 61-anyos ama makaraan pagtatagain ng anak sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Lag-it, Brgy. Bilao, Sapian, Capiz kamakalawa.
Kinilala ang biktimang si Danilo Dicon, napatay sa taga ng kanyang anak na si Jonathan Dicon 33-anyos, agad sumuko sa mga pulis makaraan ang insidente.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Sapian Police Station, sinasaktan ng biktima ang kanyang misis kaya sinaksak siya ng kanilang anak.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com