Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 sangkot sa droga napatay (7 arestado)

TATLO katao na may kinalaman sa droga ang napatay habang pito ang arestado sa magkakahiwalay na lugar kahapon.

Agad binawian ng buhay si Renty Sacayan alyas Eway nang pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek.

Pinasok ang biktima ng suspek sa kanyang bahay sa Pasay City at pinagbabaril.

Sa Quezon City, napatay ng mga pulis si alyas Gary sa ikinasang anti-drug operation.

Nasugatan nang mabaril ng suspek ang katransaksiyon na pulis na si PO2 Andrew Bautista.

Habang namatay nang manlaban si Herbert Bautista alyas Aso ng Parola compound sa Binondo, Manila.

Arestado sa mga pulis sa Marikina City ang 23-anyos na si Leslie Anne Sarmiento dahil sa pagbebenta ng illegal na droga.

Apat katao ang naaresto ng mga pulis sa isang drug den sa Marikina City.

Inaresto ang mag-live in na sina Rolito Devilla at Analyn Geronimo, at ang kanilang customer na si Eugen Estrella at isang 15-anyos na binatilyo.

Dalawang lalaki ang naaresto sa drug-buy bust operation sa Mandaluyong City.

( JAJA GARCIA / LEONARD BASILIO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …