Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Chot Reyes, papalitan si Lorenzana bilang prexy at CEO ng TV5

00 fact sheet reggeeKAHAPON (Biyernes) ay inanunsiyo na ng TV5 management na si Mr. Chot Reyes na ang bagong Presidente at Chief Executive Officer ng Kapatid Networksimula sa Oktubre 1, 2016.

Papalitan ni Mr. Reyes si Mr. Noel Lorenzana na hanggang Setyembre 30 na lang ngayong taon.

Kilalang dating coach ng Talk and Text team sa Philippine Basketball Association o PBA si Mr. Reyes at tatlong taon na siya TV5 bilang head ng Sales at Marketing Department.

Sabi pa ng kausap naming TV5 executive, maayos daw ang performance ni Chot dahil malakas ang News at Sports program nila.

Ang kuwento sa amin ng taga-TV5, ”Okay naman si Chot kaya siguro pinili siya ni MVP (Manny V. Pangilinan) kasi nakitaan niyang masipag naman.

“In fairness naman kay Mr. Lorenzana, taga-Smart siya before at pinakiusapan siya ni MVP na i-manage ang TV5 and the guy really did his best naman maski hindi niya linya ang television.

“Napababa niya ang losses ng TV5 kompara rati, though lugi pa rin, pero napababa niya at hindi na lumaki pa ang lugi.”

Hindi naman daw totally mawawala si Mr. Lorenzana dahil ililipat siya sa ibang kompanyang pag-aari ni MVP.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …