NGAYONG gabi (Sabado) na mapapanood ang Maalaala Mo Kaya nina Sylvia Sanchez at Kim Chiu na puring-puri ng una ang dalaga dahil napakabait daw.
“First time kong makasama, mabait at respectful. Parang bata, bungisngis, masayahin,” kuwento ni Ibyang nang hingan namin ng komento tungkol kay Kimmy.
Tinanong din namin kung marunong umarte at kaagad na sinagot kami ng,”marunong.”
Kapag ganito kabilis sumagot si Sylvia, ibig sabihin ay prepared si Kim at pinag-aralan ang karakter niya pagdating sa set.
Hindi naman nagkukuwento ang aktres ng tungkol sa mga nakakasama niya sa programa o pelikula dahil ayaw niyang manira, pero mahahalata mo sa kanya na hindi niya feel ang isang artista kapag hindi mo naririnig na pinupuri niya o kaya kapag kinumusta mo ay hindi ka sasagutin. Kaya alam mo na Ateng Maricris ang style ni Ibyang, ha, ha, ha.
Supportive mother ang papel ni Sylvia sa MMK nila ni Kim na mahilig sumali sa beauty contest.
FACT SHEET – Reggee Bonoan