TINIYAK ng Dangerous Drugs Board (DDB) na magdaragdag ng bilang ng rehabilitation centers sa bansa.
Sinabi ni DDB chair Felipe Rojas sa briefing ng Committee on Dangerous Drugs sa Kamara, kulang ang rehab centers sa Filipinas para sa patuloy na pagtaas ng bilang nang sumusukong drug addicts.
Sa ngayon, mayroon lamang 50 residential at outpatient rehab centers, kaunti kung ituring para sa 6000,000 drug addicts at pushers na sumuko magmula nang maupo sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.
Dahil dito, iminungkahi ni Rojas na magtayo ng dalawang rehab centers sa Luzon, isa sa Visayas at isa rin sa Mindanao.
Balak din nilang magtayo ng parehas na pasilidad sa loob ng mga kulungan para lamang sa mga nakakulong na drug addicts.