Friday , November 22 2024

Mga pangarap ni Morissette, unti-unti nang natutupad

00 fact sheet reggeeSOBRA-SOBRANG saya ngayon ni Morissette Amon dahil unti-unti ng natutupad ang mga pangarap niya bilang mang-aawit.

Ito naman talaga ang gusto niyang maging karera simula bata palang siya kaya naman sa edad na 14 o noong 2010 ay sumali siya sa reality show na Star Factor sa TV5 na pinanalunan ni Eula Caballero.

Hindi man naiuwi ni Morissette ang titulong Star Factor ay nagpapasalamat siya ng marami sa TV5 dahil ito ang nagbukas sa kanya ng pintuan para marating niya ang kinalalagyan ngayon.

Tinapos ni Morissette ang limang taong kontrata niya sa TV5 bilang Star Factor finalist at saka siya sumali sa blind audition ng The Voice Season 1 at napabilang sa team ni Sarah Geronimo na idolo ng dalaga.

Hindi rin pinalad na manalo si Morissette pero hindi naging hadlang para hindi niya ipagpatuloy ang kanyang nasimulan na talagang maraming hirap ang dinanas niya para mapansin.

Kuwento nga ng mommy Analie ni Morissette, “we’re very happy and fulfilled for Morissette kasi nakikita mo naman siya before na talagang gusto niya at pinagtrabahuan niya.

“Grabe ang struggle niya at least nabigyan ng chance. There was a time na sinabihan ko na siya (Morissette) na itigil na, kasi nakita ko na ‘yung hirap niya na parang walang nangyari, pero pursigido siya kasi dream niya talaga. Kaya masaya kaming family niya for her.”

Semi-regular na sa ASAP

At dahil nakitaan naman ng galing sa pagkanta si Morissette ay marami ang kumukuha sa kanya sa shows at naging semi-regular sa ASAP na ipinagpasalamat nang husto ng dalaga dahil napansin na siya sa ibang bansa hanggang sa kaliwa’t kanan na ang shows niya abroad.

Ang dating semi-regular stint ni Morissette sa ASAP ay naging regular na nang mapasama siya grupongBirit Queens nina Angeline Quinto, Klarisse de Guzman, at Jonalyn Viray na Jona na ngayon.

At heto, may show pa ang ASAP sa Barclay Center, Brooklyn, New York USA sa darating na Setyembre 3.

Bukod sa ASAP ay gustong-gusto rin si Morissette sa It’s Showtime kaya naman sa tuwing may ipo-promote siya ay welcome siya sa programa nina Vice Ganda, Jhong Hilario, Vhong Navarro, Kuya Kim, at Anne Curtis.

Nang makausap namin si Morissette sa upcoming show ni Arnel Pineda na Powerhouse Pinoy World-Class Performers na produced ng Lucky 7 KOI Productions, Inc na mapapanood sa The Theater, Solaire Resort and Casino sa October 28 ay abot-abot ang pasalamat niya sa Diyos sa lahat ng blessings na dumarating sa kanya ngayon at sa pamilya niya.

Maraming bansa nang napuntahan si Morissette, pero may isang bansang gustong-gusto niyang balikan.

“Marami pa po, tita Reggee, pero top of my destination goal is Europe po.  Galing na po ako, pero hindi naman ako nakapag-ikot kasi it’s all work po ‘yun.

“Gusto ko po sana makapagbakasyon with my family, hopefully po soon, kaya ngayon, tanggap-tanggap muna ng work para naman po may magamit pa rin akong panggastos, he, he, he,” sabi ng dalaga.

Dream makagawa ng original songs

Samantala, nag-launch na si Morissette ng first album niya mula sa Star Music at at nagkaroon na rin ng sariling concert na ginanap sa Music Museum kamakailan kaya tinanong namin kung may iba pa siyang pangarap.

“’Yung dream ko po now is to make more original songs po, mas gusto ko po original kaysa covers kasi that’s what makes an artist, an artist if you have your own songs po and happy naman po ako kasi ‘yung mga nai-release ko ay nagustuhan naman (listeners),” sabi pa.

Approaching gold na raw ang album niya at proud namang sinabi ng manager niyang si David Cosicong Stages na talagang fans ang bumibili ng album niya sa record bars kaya ipinagpapasalamat nila ito.

Bukod sa pagkanta ay may iba pang talent si Morissette tulad ng pagtugtog ng gitara at piano habang kumakanta siya, sana mabigyan din siya ng tsansa na ipakita ito.

Nabanggit din ng dalagang singer na gusto rin niyang subukan ang ibang genre dahil nga nakilala siya sa ballad songs.

“Kasi po it’s a different experience every time kaya nakatutuwa how production shows po to put us together na iba-ibang klase like kay sir Arnel (Pineda) na pinanonood ko ay may nakukuha rin ako sa kanya,” kuwento pa.

Ang Jazz ang pag-aaralan daw ng dalaga,  ‘yung jazz po, I haven’t fully taken it yet po. Dati kasi po, super-ballad lang talaga ako, R & B, that’s how they (Star Music) started sa album ko po.  Parang tricky din talaga ‘pag jazz.”

Malaki na rin ang ipinagbago ni Morissette simula noong araw na nagsimula siya hanggang ngayon dahil base sa mga interview niya ay ang lakas ng dating niya, sumobra na ang daldal.

“Siguro po rati kasi nahihiya pa po ako, coming from Cebu, hindi pa ako masyadong gabay (hasa) mag-Tagalog, nahihiya rin akong mag-English din naman. Ngayon po, mas nakabisado ko na ang language although nabubulol pa rin kasi talagang pinag-workshop po ako ng Tagalog classes.

“Ang hirap po kasi, kasi sa bahay po nagbi-Bisaya pa rin kami, awkward din po kasi kapag nagta-Tagalog kami sa bahay, pero, with the help of tito David (manager), sinasabi nila sa parents ko na huwag akong kausapin sa Tagalog,”  masayang kuwento sa amin.

Ngayong may regular income na si Morissette kaya tinanong namin kung ano na ang investment niya.

“Nakabili na po kami ng car, kasi rati  po nagta-taxi lang kami, ang hirap po kumuha ng taxi kasi rati hindi pa uso ang Grab o Uber.  So hirap kami kapag may show o pupuntahang tapings o kaya nakikisabay kami sa service.  Kaya ngayon po, may car na,” balik-tanaw ng dalaga.

Parang kailan lang ay nasa hindi kalakihang condo sila umuupa sa may tapat ng Trinity University of Asia.

“Panahon po iyon ng TV5, malaki po ang naitulong din ng TV5 dahil sa kanila may mga ilang shows din po ako at doon namin kinukuha ang pambayad ng upa sa bahay.

“Pero ngayon po sa townhouse na kami nakatira, nagre-rent pa rin po, ayaw pa ni mama bumili ng own house kasi gusto niya hinay-hinay lang muna, as long as may tinitirhan naman. Okay naman po kasi may bahay naman kami sa Cebu,” kuwento ni Morissette.

Anyway, sobrang nagpapasalamat ang dalagang singer sa Lucky 7 KOI Productions na binubuo nina Ms Lily Chua, Jon Alarilla, Attorney Carmelita Lozada, Carol Galope, Rosalinda Ong, Neth Mostoles, at Liza Licup with board of directors, Divine Arellano at Emy Domingo dahil isinama siya sa show ni Arnel na sikat na rakista.

Kasama rin as guests ni Morissette sina Michael Pangilinan (may dueto sila), The 4th Impact, Mayumi and TOMS Band sa Powerhouse Pinoy World-Class Performers show sa The Theater, Solaire Resort and Casino sa Oktubre 28.  Mabibili ang tickets sa ticketworld at maaring tumawag sa 891-9999.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *