TINATAYANG P3 milyon halaga ng hinihinalang ecstasy pills mula Germany, ang nasakote ng mga awtoridad kamakailan, kinompirma ng Bureau of Customs (BOC) nitong Miyerkoles.
Ayon kay BoC Commissioner Nicanor Faeldon, natunugan nilang droga ang laman ng dalawang parcels na dumating noong Mayo 7 kaya agad nilang kinompiska.
Laman ng mga parcel ang 2,000 tableta ng ectasy, na nagkakahalaga ng P1,500 kada piraso.
Dagdag ni Faeldon, unang idineklara na vitamins ang laman ng mga parcel na ipinadala sa isang Darwin Constantino sa Gulod, Novaliches.
Iniimbestigahan ng BoC Anti-Illegal Drugs Task Force at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang consignee at address nito.