Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Best Supporting Actor trophy ni Arjo, inialay kay Coco

00 fact sheet reggeeHINDI inaasahan ni Arjo Atayde na mag-uuwi siya ng Best Supporting Actor award mula sa PEPList Year 3 noong Linggo sa Crowne Plaza Hotel dahil pinapunta raw siya ng Star Magic para maging presenter.

At kaya walang idea ang aktor ay dahil wala raw sa list of nominees ang pangalan niya kaya laking gulat niya nang manalo siya.

Pinasalamatan lahat ni Arjo ang mga taong nasa likod ng pagpasok niya sa showbiz at sa huling bahagi ng speech ni Arjo ay inialay niya ang tropeo kay Coco Martin at dito na nagsimulang mag teary-eyed ang aktor.

Kuwento ni Arjo na tatlong taon na ang nakararaan nang magkasama sila sa Star Magic events at habang nakaupo siya sa isang tabi ay dumadaan si Coco kasama ang ilang marshalls at ngumiti sa kanya at binalikan siya sabay sabing, ‘you know what, nagagalingan ako sa ‘yo, one day magkakatrabaho tayo.’

Baguhan palang noon si Arjo at ang una niyang serye ay E-Boy na sinundan ng Dugong Buhay na ito raw ang dalawang seryeng napansin siya ni Coco.

Isang araw ay nakatanggap ng offer ang aktor mula sa Dreamscape Entertainment unit para sa On The Wings of Love, pero nagtaka siya kung bakit tinanggal siya roon at napunta kay Albie Casino ang papel niya.

Kuwento ng aktor, “I don’t know why I was pulled-out, maybe because I gain weight, or maybe my looks or attitude, but I don’t think I had. Then one day they called me up and said I was part of ‘Ang Probinsyano’.

“After 3 years, when I opened the door (story conference), there’s Coco Martin stood up and hugs me and said, ‘this is what I promised to you.’ At dito na napansin ng lahat na namumula na ang mga mata ni Arjo at garalgal na ang boses at sabay sabing, “this is for you (Coco).”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …