Samantala, sa Amerika manganganak ang asawang si Mariel Rodriguez-Padilla at alam naman ng lahat na hindi binigyan ng US visa ang aktor dahil sa naging kaso nito noong nakulong siya.
Kaya ano ang masasabi ni Robin na baka sakaling wala siya sa tabi ng asawa kapag isinilang ang kanilang panganay?
“’Yun po kasing magulang ni Mariel, especially ‘yung daddy niya, ang kahilingan po ay doon siya manganak at siyempre iba rin ‘yung pakiramdam niya kasama niya ang magulang niya pati ate niya, one big family event ‘yun.
“Kaya inaayos pa namin, sana mabigyan ako ng visa, at saka gusto ko talaga tahimik ‘yung panganganak niya, malayo muna sa intriga kasi napaka-delikado,” paliwanag ni Binoe.
May apat na klaseng gamot daw na iniinom si Mariel at isa na nga ang pagiging diabetic nito kaya talagang bed rest ang kailangan.
“’Yung anti-bodies niya kasi masyadong malakas, pinapatay ‘yung bata kaya kino-kontrol ‘yun. Maingat kaya maraming gamot. Tapos ‘yung sugar niya tumaas,” sabi pa ng asawa ng TV host.
Hirit namin, mataas pala ang sugar bakit panay ang kain ng matatamis lalo na ng cake na ipino-post nito sa IG account.
“Kasi si Mariel, napakabuti ng puso niyon, kapag may nagregalo, kailangan niyang tikman, hindi naman niya inuubos, pati nga ako nagbigay ng cake rin (birthday ng asawa),” katwiran ng aktor.
FACT SHEET – Reggee Bonoan