Hiningan din ng komento si Binoe sa ginawa ni Presidente Duterte kay Senator Leila De Lima na binanggit nito na umano’y karelasyon niya ang kanyang driver at ipinagpagawa pa ng bahay at isa rin itong bagman ng drug lords.
“Alam n’yo po, ‘yung pinag-uusapan, labas ang rivalry, ang pinag-uusapan dito ay naglilinis ang Pangulo. Katulad ko, example ko ang sarili ko, kapag ako ay nasagasaan dito (nabanggit na may isyu), hindi po ako magrereklamo rito bilang isang Filipino na gusto mo ng pagbabago.
“Kung ano ang sabihin ng pangulo, susunod ako dahil gusto ko ng pagbabago, ‘yung nangyayari po sa ating Pangulo at sa ating senadora, ang tanong po riyan ay kung sino ang may hawak ng ebidensiya.
“Kasi sa mga pinag-uusapan po nila, mga public servant po natin sila, tandaan natin na sila po ay nangako at nanumpa sa, una sa ‘yo, pangalawa sa bandila ng Pilipinas. Kung sino ang nagsasabi ng totoo, siya ang maglabas ng ebidensiya. Hindi po ito usapin kung sino ang nasasaktan o naaapi, hindi. Kung ano ang katotohanan at ito ang magpapalaya sa atin,” punto ng aktor.
FACT SHEET – Reggee Bonoan