Friday , April 18 2025

Mag-asawang Tiamzon pinalaya na

082016 tiamzon
MAINIT na sinalubong mga pamilya at miyembro ng militanteng organisasyon ang mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon matapos palayain sa pagkakapiit sa Camp Crame, Quezon City kahapon. Ang mag-asawa ay sinabing makakasa sa pagbubukas ng peace talks sa Oslo, Norway, ngayong araw. ( Kuha ni Ramon Estabaya )

NAIPAMALAS sa pagpapalaya kahapon sa mag-asawang lider-komunista na sina Benito at Wilma Tiamzon na seryoso at determinado si Pangulong Rodrigo Duterte na humanap ng mapayapang solusyon sa ilang dekada nang armadong pakikibaka ng kilusang komunista sa bansa.

Sinabi ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza na ang mag-asawang Tiamzon ang huli sa mga pinalayang detenidong matataas na opisyal ng National Democratic Front (NDF) para makalahok sa peace talks sa Oslo, Norway simula Agosto 22.

“With their release, in addition to more than a dozen of NDF consultants earlier granted bail and already freed, one more stumbling block is removed.  We are looking forward to a fruitful but intense negotiations in Oslo,” ani Dureza. Mahigit 550 miyembro ng CPP-NPA ang nananatili sa bilangguan sa iba’t ibang panig ng bansa. Ipinangako ng Pangulo na ang kanilang paglaya ay magiging bahagi ng negosasyon sa Norway. “The president however has said he will declare a general amnesty for all communist rebels,” ani Dureza.

( ROSE NOVENARIO, Joana Cruz, at Kimbee Yabut )

About Rose Novenario

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *