Friday , November 15 2024

Duterte pursigido sa laban sa droga (Apo ayaw maging biktima )

INSPIRADO si Pangulong Rodrigo Duterte na doblehin pa ang kanyang ginagawa laban sa illegal na droga at kriminalidad lalo ngayong malapit nang madadagdagan ang bilang ng kanyang mga apo.

Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar na lubos na nagalak ang Pangulo nang malaman na magkakaroon siya ulit ng apo sa kanyang anak na si Davao City mayor Sarah Duterte at ito ay triplet.

Lalo aniyang magiging masigasig ang Pangulo na puksain ang illegal drug trade sa bansa para maging ligtas ang kanyang mga apo at sa mga susunod na henerasyon laban sa ilegal na droga at krimen.

“Mayor Sara’s pregnancy serves as a source of inspiration for the Chief Executive to roll up his sleeves and work double time in his fight against crimes and drugs.  He hopes to leave a legacy of a Philippines safe and secure from crimes and drugs to future generation of Filipinos,” ani Andanar.

Nagpaabot ang Palasyo ng pagbati sa alkalde ng Davao at sa mister niyang si Atty. Maneses Carpio at umaasang maging ligtas ang pagdadalantao hanggang maisilang ang triplet. (RN)

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *