Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P1.8-M shabu kompiskado sa CDO

CAGAYAN DE ORO – Arestado ang isang babae  sa drug buy-bust operation sa Brgy. Agora, Cagayan de Oro nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Raihana Ali Baitara, dating municipal councilor ng bayan ng Pantar sa Lanao del Norte mula 1998 hanggang 2006.

Narekober mula kay Baitara ang ilang gadgets, P100,00 marked money, resibo mula sa money remittance centers at dalawang pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P1.8 milyon ang street value.

Kabilang sa inaresto ng mga awtoridad ang isang menor de edad na pinaniniwalaang runner ni Baitara.

Ayon sa 14-anyos na si Dodong, tatlong beses na siyang nag-deliver ng droga sa Cagayan de Oro mula sa Marawi City para kay Baitara.

Si Baitara ay sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act, habang ang menor de edad ay dinala sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …