CAGAYAN DE ORO CITY – Kinompirma ng Police Regional Office (PRO-10) ang pagtaas ng bilang ng mga pulis na sinibak sa serbisyo dahil sa paggamit at pagbebenta ng illegal na droga sa Northern Mindanao.
Ayon kay PNP regional spokesperson, Supt. Surkie Serenas, mula 22 sa buwan ng Pebrero, umabot na sa 30 pulis ang nasipa ng kanilang organisasyon.
Tumaas bahagya ang bilang ng mga tinatawag na ‘pulis-adik’ dahil sa inilunsad na suprised drug test sa iba’t ibang estasyon ng lalawigan.