Friday , November 15 2024

Retiradong parak utas sa anti-drug ops

ILOILO CITY – Patay ang isang retired police sa buy-bust operation sa Jeferson Village Brgy. Pali Benedicto sa bayan ng Mandurriao sa Iloilo City kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si dating Senior Police Officer (SPO) 1 Wilson de Leon.

Ayon kay Senior Insp. Adolfo Pagharion, hepe ng Mandurriao Police Station sa lungsod, isang buwan tiniktikan ng mga pulis si De Leon na malawak ang area of operation na sumasakop sa mga bayan ng Estancia, Carles at Passi City sa probinsiya ng Iloilo gayondin sa lalawigan ng Capiz at bayan ng Kalibo sa Aklan.

Sinasabing pinaputukan ni De Leon ang police poseur buyer na nakatransaksiyon kaya ginantihan ng putok ng mga pulis.

Isang bulto ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P15,000 ang nakuha mula sa posisyon ng suspek.

Si De Leon ay panglima sa listahan ng mga napatay dahil sa paglaban sa mga awtoridad ngayong linggo sa Rehiyon 6.

Matatandaang isa ang Police Regional Office-6 sa mga police offices na mababa ang performance sa anti-drugs operation na nakatakdang i-relieve ang mga opisyal batay sa deklarasyon ng chief PNP.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *