DAGUPAN CITY – Umaabot sa mahigit 62,000 katao ang apektado ng baha dulot ng habagat sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa ipinalabas na data ng Provincial Disaster ARisk Reduction and Management Office (PDRRMO) nasa 12,580 pamilya, katumbas ng 62,366 katao ang labis na naapektohan ng bagyo.
Kinompirma ng PDRRMO, may tatlong kabahayan na partially damaged sa Brgy. Nayom, Infanta, sa paghagupit ng buhawi sa kasagsagan ng masungit na panahon.
Inaalam ang kabuuang danyos na iniwan ng habagat sa impraestruktura at agrikultura.
Tanging ang lungsod ng Dagupan ang nagdeklara ng state of calamity bunsod ng mga pagbaha.