Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

TF ni Kris, kinalahati at inigsian ang kontrata

NOONG Huwebes, halos iisa ang showbiz headline, ito ‘yung pag-aalsa-balutan ni Kris Aquino sa ABS-CBN at pagpirma ng managerial contract sa APT Entertainment ni Mr. Tony Tuviera.

Bago rito, fresh from his US vacation ay naitimbre na ni Noel Ferrer ang pakikipagmiting ni Kris sa APT, na inakala ng marami na may nilulutong film project na pagsasamahan nina Kris at AlDub.

But Noel was quick para pabulaanan ito, hindi man siya nagbigay ng hint ay eto na nga, Kris has jumped ship.

Maraming espekulasyon sa paglipat ni Kris.  Isang reliable source ang nagkompirma sa amin na bukod sa shorter contract na gusto na lang ihain ng ABS-CBN kay Kris ay may slash o kabawasan pa sa kanyang talent fee in her guaranteed contract.

Dinig namin, as much as kalahati ang paycut sa kanyang TF, at hindi ‘yon nagustuhan ni Kris.

But she’s not reportedly alone. Apektado rin kasi ang ibang malalaking artista ng Kapamilya Network sa bagong direktibang ito.

Sa ginawang career move na ‘yon ni Kris, nakalulungkot isipin na na-bypass sa negosasyon si Kuya Boy Abunda na adviser/consultant nito.

Ang tanong: anong future kaya ang naghihintay kay Kris, gayong ang APT—na prodyuser ng Sunday program ng GMA—ay teritoryo ni Ai Ai de las Alas na nabuwisit sa kanya kaya umalis ito last year sa Dos?

With her station transfer kung saan naroon si Ai Ai, nambubuwisit din ba si Kris?

Obvious ba?!

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …