Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dulce, galit na galit daw kay De Lima

00 fact sheet reggeeIISA ang tanong ng netizens, bakit galit na galit daw ang kilalang mang-aawit na si Dulce o Dulce Amor Cruzata sa tunay na buhay kay Senadora Leila de Lima?

Saan daw nanggagaling ang galit nito sa ipinost sa kanyang Facebook account na naging viral noong Linggo at Lunes.

Palaisipan ang post ni Dulce na, “‘hindi masikmura ng asawa ko ang pakainin kami ng galing sa perang pinangwasak n’yo ng buhay ng ibang tao.”

At ang ibang nilalaman ng post ay, “Simula’t simula sinabi nang bumitaw ka at huwag nang magsalita, kahit sikreto na lang sana isinuko mo na, heto na at lumalala, naghahamon ka pa! Ano?

“Nagpapanic? Umiiyak? at Nagmamakaawa raw??? Yung angas n’yang yun?, nadidiktahan ka pa nga. Gusto ko mang maawa pero katotohanan ang kailangang lumabas. Tama na, nagamit ka na ng husto ng amo mo at mga kakulay mo, sabay sabay din silang pumuputak ngayon, synchronized, to divert the issue.

“Tama na tapang-tapangan at pagiging overconfident hindi ka nila kayang protektahan, only the truth can protect you.

“Marami na kayong pinahirapan, marami nang buhay ang nasira pero tila wala ka nang pakialam, naging manhid ka na at hindi mo ramdam ang sakit at bigat na nararanasan ng libo-libong pamilyang biktima ng droga. Inalis at tinerminate mo ang mga taong tapat sa kanilang trabaho dahil lang sa ayaw sumabay sa inyo sa gusto ninyong mangyari, gusto n’yo itikom na lang mga bibig nila basta tanggap na lang milyones galing sa druglords?

“Sorry ha, hindi talaga kaya ang magpaka BULAG PIPI AT BINGI at ipagkanulo ang bayang ito.

“Hindi masikmura ng asawa ko ang pakainin kami ng galing sa perang pinangwasak n’yo ng buhay ng ibang tao.

“Kaya ang pinakamadaling paraan ay tanggalin na lang para walang hadlang sa mga ginagawa ninyo di ba!?

“Nasaan na ang sinasabi mo sa sambayanan na “I LOVE YOU…” ??? At the back of your mind pala “I WILL KILL YOU..”??? dahil tuloy tuloy pa rin ang paglipana ng pabrika ng shabu while you served as head of the DEPARTMENT OF JUSTICE???!!! Nasaan ang hustisya!!! What have you done to your family’s good name? I pray you’d be jolted out from your slumber, and hope it’s not yet too late. I pray for redemption.

* #ýTruthAndRighteousness,

* #ýPrayForThePresident,  * #ýPresidentDigong,  * #ýDUTERTE,  * #ýPrayForTheSenator, * #ýPrayForTheGovernment,  * #ýGodBlessThePhilippines,  * #ýLetJusticePrevail, “

Hiningan namin ng komento si Ms. Dulce sa pamamagitan ng private message pero hindi kami sinagot hanggang matapos naming tipahin ang balitang ito.

Samantala, may nagparating naman sa amin na rati palang staff sa Department of Justice ang asawa ni Dulce at tinanggal daw ni Senadora De Lima dahil hindi raw mapilit sumunod sa mga iniuutos sa kanya na may kinalaman daw umano sa droga.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …