MAGARBONG 77th birthday celebration ang idinaos ni Mother Lily Monteverde noong Agosto 19 sa 38 Valencia Events Place, Quezon City.
Dinaluhan ng maniningning na bituin sa showbiz, pamilya, kaibigan, at entertainment press na naging bahagi ng tagumpay ng Regal Entertainment at ni Mother Lily ang pagdiriwang na iyon. Nagbigay ng video birthday greetings ang mga naglalakihang artistang natulungan ni film outfit at ng celebrator.
Ang isang ipinagkaiba ng birthday ni Mother Lily ng gabing iyon ay ang pagbibigay-halaga niya sa entertainment press na naging bahagi ng ups and downs niya simula noon hanggang ngayon.
“Sila (showbiz writers/press) ang tinaawag kong unsung heroes. They are very dear to me and I treasure them so much because they had helped me through thick and thin. I owe a big part of my success to showbiz press that’s why I love them all my heart,” ani Mother Lily.
Dumalo sa okasyon ang Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED),Philippine Movie Press Club (PMPC), at Entertainment Press Society(ENPRESS) gayundin ang iba pang independent writers.
“Masyado kong mahal ang press dahil kung wala sila, walang tutulong kay Mother Lily at sa mga pelikula ng Regal. That’s why I wnt to dedicate this party to them. It’s about time we give them due credit,” giit ni Mother Lily.
At bilang pagpahalaga, binigyan ni Mother Lily ng tig-P100,000 ang SPEED, PMPC, at ENPRESS.
Binigyan din ng Regal matriarch ng P1-M ang Mowelfund na pinamumunuan ni Boots Anson Roa.
Samantala, in full swing ang paggawa ng pelikula ng Regal. After ng tagumpay ngThat Thing Called Tanga Na, ang susunod na handog ng Regal ay ang romantic-comedy na My Rebound Girl na pinagbibidahan nina Alex Gonzaga at Joseph Marco na mapapanood sa Setyembre.
Sa Oktubre naman ipalalabas ang sex-drama-love story na The Escort na pinagbibidahan nina Christopher de Leon, Lovi Poe, at Derek Ramsay. AngOur Mighty Yaya nina Ai Ai dela Alas at Megal Young; Mano Po VIII: Chinoynina Richard Yap, Jean Garcia at iba pa, at ang horror film na Puwera Usog ang isinumiteng entries ng Regal para sa 2016 Metro Manila Film Festival.