Monday , December 23 2024

Mga patakarang ‘tamang-duda’ ng bagong MIAA AGM-SES

SHOCK to the max ngayon ang mga airport police dahil sa mga utos o mga patakaran na ipinaiiral umano ng bagong Assistant General Manager for Security and Emergency Service (AGM-SES) ng Manila Interntional Airport Authority (MIAA).

Isa raw sa mga utos na ito na sinimulan noong nakaraang buwan, ‘e ‘yung mag-selfie photo sila kapag naka-duty o posting na.

Bwahahahaha!

Ganyan daw ang tawanan ng mga airport police kasi hindi nila maintindihan kung bakit kailangan nilang gawin ang mag-selfie.

Ang issue daw kasi, may ilang airport police ang wala sa kanilang assigned post.

Anyway, wala naman daw problema kaya nag-comply naman ang mga airport police.

Kaya kapag dumarating sila sa airport, doon mismo sila nagse-selfie photo kung saan sila naka-post.

Okey naman kahit nagiging laughing stock na nga ‘yang selfie-selfie na ‘yan sa kanila.

Ang siste ngayon, may bago na namang order…

Selfie photo plus 30-seconds video na naroroon sa post nila.

Wattafak!?

“E paano kung hindi Android ang phone namin?!”

‘Yan mismo ang  dialogue ng mga Airport police. Kailangan pa raw nila maghintay ng kasama nila na naka-Android cellphone para makapag-selfie at makapag-video as requirements?

Para que na mayroong biometrics pa sila kapag pumapasok at nagdu-duty?

Pakiramdam tuloy ng Airport police ‘e para silang tinatratong bobo ‘e may mga pinag-aralan naman daw sila?!

Oo nga naman…

Kung duda nga naman sa airport police ang AGM-SES, kausapin nila para naman magkaroon ng pagkakataon na maipagtanggol ang kanilang sarili.

Kung mayroong kailangan sampahan ng kaso, e di sampahan ng kaso.

Paano naman daw kasi ‘yung wala namang ginagawang masama o bawal, pati sila ‘e nadadamay.

‘Yan po ang hinaing ng mga Airport police.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *