Monday , December 23 2024

Sabi ni Duterte: Driver-lover ‘ikakanta’ si De Lima

081916_FRONT
IBUBUNYAG ng kanyang driver-lover si Sen. Leila de Lima hinggil sa pagkakasangkot sa illegal drugs sa New Bilibid Prison (NPB), ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ambush interview kay Duterte sa burol ng mga sundalong nasawi sa illegal drugs operation sa Cotabato City kahapon ay inihayag ng Pangulo na wala siyang plano na sampahan ng kaso ang driver-lover ni De Lima na nauna niyang ibinulgar na nangolekta ng drug money sa NBP para gamiting campaign funds ng noo’y senatorial bet na kalaguyo.

“Bakit ko kakasuhan, gagamitin ko pa as witness,” anang Pangulo nang tanungin kung kakasuhan ang driver lover ng senadora: “Secret,” aniya kung anong kaso ang tatayong witness ang driver-lover ni De Lima na aniya’y gumagamit din ng ipinagbabawal na gamot.

Ipinahiwatig ng Pangulo, ang posibilidad na isang taga-NBP ang magsasalita rin laban sa senador.

“One day itong taga-Bilibid magsasalita,” dagdag niya.

Giit ng Punong Ehekutibo, open secret ang relasyon ni De Lima at kanyang driver-lover kahit noon pang ang senadora ay chairman ng Human Rights Commission (CHR) at kalihim ng justice department.

Binigyang- diin ng Pangulo na si De Lima mismo ang lumikha ng kinasangkutang eskandalo dahil ang buhay ng isang serbisyo-publiko ay bukas na aklat.

“She created the scandal she knows, she is a public official, eskandalo na ‘yan sa human rights, eskandalo na niya ‘yan sa justice dept, spare the family? ‘Pag nasa public office, ka De lima your life is an open book,” aniya.

Binalewala ng Pangulo ang pagiging emosyonal ni De Lima dahil kasalanan ito ng senadora na alam na labag sa batas ang pakikiapid sa isang may-asawa.

“Kasi totoo… kasi totoo nahuli siya, imagine she took oath to the public…taking in your driver as paramour?” sabi ng Pangulo

Naniniwala ang Pangulo na hindi siya umabuso nang ibulgar ang baho ni De Lima sa publiko dahil nauna ang senadora na nagbintang sa mga pulis na sabit sa extrajudicial killings kaugnay sa drug war ng administrasyon.

“I did not but she did, pinagbibintangan niya ang mga pulis na ganon, ganon, ganon, putang ina namamatay na nga ‘yung pulis o, gaga… bakit siya magsasalita wala ebidensiya?” dagdag ng Pangulo.

Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel na labag sa batas ang ginawa ni De Lima na pakikiapid sa isang lalaking may-asawa at pagsasawalang kibo sa pagkakasangkot sa operasyon ng illegal drugs.

Ayon kay Panelo, ang sino mang opisyal at kawani ng pamahalaan ay dapat sumunod sa Republic Act 6713 o Code of Ethical Standards and Public Accountability at Article XI o Accountability of Public Officers sa Saligang Batas.

“What I’m saying is, under the Constitution, all public officials are accountable to their acts. So if you do an illegal act or an act which is contrary to the demeanor of a public official, then you open yourself to criticism or to a report to the nation, in relation to your acts,” sabi ni Panelo.

Giit ni Panelo, ang imporamsyon na isiniwalat ng Pangulo hinggil kay De Lima ay may kaugnayan sa kanyang pagiging public official at ang kanyang asal bilang serbisyo-publiko.

Tungkulin aniya ng Punong Ehekutibo na maglingkod at bigyang proteksiyon ang bansa, at ipaalam ang ginagawa ng mga opisyal ng pamahalaan at kasalukuyang situwasyon ng Filipinas.

“Tandaan n’yo, the information given by President Duterte is in relation to her being a public and her demeanor as one. So that encompasses within the duty of the President to serve and protect the people and to inform the state of the nation of whatever is being done by the government officials and whatever situation we are in now,” ani Panelo.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *