Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paglilinaw ni Luis: ‘Di pa sila mag-on ni Jessy

00 fact sheet reggeeNAG-POST si Luis Manzano sa kanyang Facebook account noong Lunes pagkatapos niyang mag-renew ng kontrata sa ABS-CBN ng panibagong tatlong taon.

Aniya, “Thank you very much ABS-CBN, our bosses and all Kapamilyas! I’m looking forward to 3 more years of hosting and pakikipagkulitan at tawanan sa lahat ng Kapamilya natin 🙂 MARAMING MARAMING SALAMAT.”

Kasama ni Luis ang manager niyang si Ms June Rufino nang mag-renew ng kontrata at ABS-CBN bigwigs na sina President at CEO, Mr. Carlo Katigbak at Chief Operating Officer Ms. Cory Vidanes.

Grabe ang mga programa ng TV host dahil pitong araw siyang napapanood sa telebisyon simula Lunes hanggang Biyernes para sa game sa Minute to Win It bago mag-TV Patrol, sa araw naman ng Sabado at Linggo ay Family Feud sa hapon at Voice Kids 3 naman sa gabi, iba pa ‘yung ASAP sa tanghali ng Linggo rin.

Biro nga namin kay Luis ay mas busy pa siya kay sir Carlo (Presidente at CEO ng ABS-CBN) at kaagad namang sumagot ang binata, “ha, ha, ha, ha.”

Samantala, klinaro ni Luis na hindi ini-offer sa kanya ang pelikulang Mang Kepweng na kasalukuyang sinu-shoot ngayon ni Vhong Navarro.

May balita kasing kay Luis daw ito ini-offer noon ng namayapang Viva creative director na si Wenn Deramas.

Paliiwanag ni Luis, “hindi naman na offer, napag-usapan lang namin ni Direk Wenn (Deramas-noong buhay pa). Mas magaling naman sa akin si Vhong sa comedy, sure papatok ‘Mang Kepweng’ niya!”

Isa pang tanong namin kay Luis ay kung aware siya na naging negatibo ang image niya simula nang ma-link siya kay Jessy Mendiola.

“Rati pa ‘yan, sabi nga naging patola (pumapatol) ako, eh dati pa naman ako pumapatol sa basher kahit noong kami ni Angel (Locsin) or Jen (Jennylyn Mercado) pa, nothing new, nega talaga ako sa mga taong ‘di ako gusto,” pahayag ng binata.

Sabi namin na mas nega siya ngayon kompara noong karelasyon pa niya sina Angel at Jen.

Pero ipinagdiinan ng TV host, “nope, mas matindi pa rati, trust me, I know. Mas brutal pa ako before.”

At huling tanong namin kung sila na ni Jessy, “wala pa.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …