Sunday , December 22 2024

Kontrol sa pulisya at militar igigiit ni Duterte (Sa peace nego sa CPP)

081716 duterte cpp npa
PINANGUNAHAN ni Presidente Rodrigo R. Duterte ang pakikipagpulong sa mga kasapi ng National Democratic Front (NDF) Peace Panel na ginanap sa President’s Hall sa Malacañan Palace nitong Lunes, Agosto 15. ( JACK BURGOS )

IGIGIIT ni Pangulong Rodrigo Duterte na manatiling kontrolado niya ang pulisya’t militar sa idaraos na usapang pangkapayapaan ng kanyang administrasyon at Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa Oslo, Norway.

Sa kanyang talumpati kamakalawa ng gabi, inilahad ng Pangulo na sa kanyang pulong sa NDF panel sa Malacañang, tinalakay nila kung paano aayusin ang gobyerno nang hindi bubuo ng coalition government dahil bukod sa komplikado ay tiyak niyang hindi ito uubra.

Sinabi ng Pangulo sa NDF panel, maaari silang sumawsaw sa pang-araw-araw na usapin ng gobyerno kaya pinayagan niyang maupo ang ilan sa kanilang kaalyado sa kanyang administrasyon, ngunit ang pulisya’t militar ay dapat kontrolado pa rin niya.

“I was talking to the NDF panel and we had the discussion about how to shape up a government without necessarily going into the complicated task of coalition because I don’t think it would work. And I said that maybe, what would come out of these talks in Oslo, where that I would insist that I retain the control of the military and the police, and they can have the mundane matters of government. As a matter of fact, nandiyan na sila,” ayon sa Pangulo.

Sa isang kalatas, inamin ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, nasasaktan si Pangulong Duterte sa palitan nila nang maaanghang na salita ni CPP founding chairman Jose Ma. Sison ngunit isusulong pa rin ng Punong Ehekutibo ang peace talk sa komunistang grupo.

“The president said while he was hurt by the sharp exchanges between him and CPP founding chair Jose Maria Sison who is based in The Netherlands, he gave assurances that he will walk the extra mile for peace,” sabi ng Presidential Adviser on the Peace Process.

Ani Dureza, umaasa ang Pangulo na ang pagbuhay sa negosasyong pangkapayapaan ay magtutuldok sa mahigit apat dekadang armadong pakikibaka ng komunistang grupo sa kanayunan.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *