Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cash prizes, mapapanalunan sa mga magwawagi ng logo design at theme song writing competition sa MMFF 2016

INAANYAYAHAN ng 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF) ang lahat ng mga creative at innovative na mga Pinoy para sumali sa MMFF Logo Design and Theme Song Making competitions para magkaroon sila ng pagkakataong manalo ng hanggang Php50,000.00, isangSony tablet, at all-access pass sa lahat ng mga pelikulang kalahok sa MMFF.

Para sa MMFF Logo Design competition, maaaring magsumite ang mga kalahok ng hanggang dalawang logo entries na pasok sa MMFF Executive Committee criteria—concept (40%), originality (30%), at relevance (30%). Ang mga logo entries ay dapat naka-vector format at ipadala kasama ang registration form sa [email protected]. Ang magwawagi sa MMFF Logo Design competition ay tatanggap ng Php20,000.00, all-access pass para sa dalawang tao sa lahat ng mga pelikulang kalahok sa MMFF, at isang Sony tablet.

Para naman sa MMFF Theme Song Making competition, maaaring magsumite ang mga kalahok ng hanggang tatlongentries na nasa MP3 format. Kailangang nasa 3-5 minuto ang haba ng mga song entries, isinulat sa Ingles o Filipino, at kailangan ding pasok sa selection criteria ng committee—musicality (30%), lyrics (30%), originality (30%), at impact (10%). Kailangang ipadala ang mga song entries kasama ang mga lyric nito (sa Word format) at ang registration form sa [email protected]. Ang magwawagi sa MMFF Theme Song Making competition ay tatanggap ng Php50,000.00, all-access pass para sa dalawa sa lahat ng mga pelikulang kalahok sa MMFF, at isang Sony tablet.

Ang mga magwawagi sa logo design at theme song making competitions ay iaanunsiyo sa Setyembre 12 at ipo-post ang kanilang mga pangalan sa lahat ng mga opisyal na social media platforms ng MMFF.

Noong unang bahagi ng taong ito, may mga major na pagbabago ang MMFF nang inireporma ng mga board of directors  at nagtayo nito ng bagong selection criterion para sa mga future entries. Ang bagong season ng MMFF ay magsisimula sa logo design at theme song making competitions upang i-set ang bagong tono para sa pinakamamahal at pinakahihintay na event ng bansa ngayo sa Disyembre.

Ang deadline ng submission para sa mga entries ay sa Agosto 31. Sumali na sa #reelvolution! Para sa full contest mechanics, bisitahin ang www.mmff.com.ph at i-like angMMFF Facebook page: www.facebook.com/mmffofficial.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …