Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

148 seater plane, luxury buses at mega-yacht, handa na para sa 2017 Miss Universe

00 fact sheet reggeeSI Ilocos Sur Governor Chavit Singson ang gumarantiya na makalilikom siya ng $12-M na magagastos sa gaganaping 2017 Miss Universe beauty pageant sa bansa sa Enero.

Hindi raw ang gobernador ang sponsor kundi siya ang bahalang humanap ng sponsors at kung anuman ang kakulangan sa $12-M ay sasagutin niya.

“Lahat ng mga casino, okay na lahat (pumayag ng mag-sponsor, like Kazuo Okada’s team. Kung walang mag-sponsor ako maglalabas, (sabay tawa), pero kaunti lang naman siguro.”

Ang mga hotel na titirhan ng mga kandidata sa Miss U ay ang Resorts World, Solaire, at City of Dreams.

At sagot naman daw ni Mr. Henry Sy ang SM MOA para roon gawin ang mga aktibidates ng nasabing event.

Paano napapayag si Governor Chavit na suportahan ang Miss Universe?

“Before election, ino-offer na ‘yan sa iba-ibang company, pero walang tumatanggap kasi $12-M ang gastos diyan, so noong ako ang kinausap ay nakita kong maganda para sa Tourism natin.

“Kasi ang domino effect ng Tourism, ‘pag marami tayong turista, maraming negosyo (magbubukas), mapo-promote ang buong Pilipinas, so magandang support ito. Suportado rin naman ito ni Presidente (Rodrigo) Duterte na okay pero walang gastos ang gobyerno.

“Kaya magsasama-sama kaming lahat ng NGO (non-government organizations), ako lang ang gagarantiya at ‘yang $12-M mababayaran. Kung marami akong makuhang sponsor, hindi ako malulugi, kung kaunti lang malulugi ako.

“Marami ng sumusuporta ngayon kasi international ‘yan,” paliwanag mabuti ng gobernador.

At dahil pinag-usapan ang turismo ay uunahin niyang ilibot ang mga kandidata ng2017 Miss Universe sa Ilocos Sur na kinasasakupan niya at iba pang probinsiya ng Pilipinas.

At ang isa sa ipinagmamalaki ay ang Baluarte na isang interactive wildlife sanctuary na naging inspirasyon daw ni Governor Chavit ang mga bansang South Africa, Zimbabwe, Australia, Sweden, at New Zealand.

“What inspired me to put up this zoo is my hunting hobby. For years I’ve been traveling the world for this purpose and was able to reach countries. And from each destination, I brought home beautiful souvenirs like elephant, buffalo, rhino, lions etc. I had all these animals shipped to Baluarte so that Filipinos who can’t afford to visit said countires will see them in the flesh for free.”

Ano naman ang masasabi ng ginoo sa balitang guguluhin ng ISIS ang nalalapit naMiss Universe? ”Well ganyan naman ang mga threat ever since nangyari na sa ating bansa, tulad niyong kay Pope (dumalaw sa bansa), ‘yung APEC, ganoon naman lahat ‘pag may event nagti-threaten sila, we should have extra careful, nakipag-coordinate na kami ngayon sa mga military police.”

Samantala, bongga ang mga gagamiting transportasyon ng mga kandidata ng 2017 Miss Universe tulad ng 148 seater plane, luxury buses, at mega-yacht na two decker mula sa Italy na idinisenyo ng Alpha Marine na papangalanan ng Happy Life or Miss Universe.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …