Monday , December 23 2024

Abogadang suspendido swindler (Dating pañero nagbabala sa publiko)

081616_FRONT

MAG-INGAT sa kanyang dating partner sa bupete.

Ito ang babala ng aktibistang abogado na si Atty. Argee Guevarra, dating law partner ng sinuspindeng tagapagsalita ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) na si Trixie Cruz-Angeles, matapos patawan ng tatlong-taon suspensiyon ng Korte Suprema nang mahatulang guilty sa tahasang paglabag sa Code of Professional Responsibility.

Tumanggap umano ng P350,000 legal fees si Angeles sa kabila ng kabiguan na gampanan ang obligasyon bilang abogado para sa isang kliyenteng kumuha sa kanyang serbisyo para sa annulment case.

Ang suspensiyon ay nag-ugat sa reklamong isinampa ng isang Cleo Dongga-as laban kay Angeles at sa co-respondent niyang si Atty. Wylie Paler dahil sa pagtanggi ng dalawang abogado na ibalik ang ibinayad nang mabigo silang mapawalang-bisa ang kanyang kasal, o bigyan man lamang ang kliyente ng ano mang impormasyon hinggil sa estado ng nasabing kaso.

Hindi ito ang unang gusot na kinasangkutan ni Angeles, na naugnay sa grupong Magdalo at bilang abogado ng tiwalag na miyembro ng Iglesia Ni Cristong si Lowell Menorca at ng road-rage suspect na si Vhong Tanto, dahil minsan na rin inakusahan ni Guevarra ng pandarambong ng pondo mula sa kanyang trabaho bilang abogado.

Binatikos ni Guevarra si Angeles hinggil sa isinampang reklamo ni Dongga-as sa mga artikulo sa internet kasabay ng alegasyon na, matapos matanggal sa kanilang law office ang suspendidong abogada, napag-alaman mula sa mga empleyado na may “ugaling manghingi sa mga kliyente ng kabayarang legal at matapos makatanggap ng pera ay tuluyan nang iaabandona ang kanilang napagkasunduan.”

Maliban kay Dongga-as, tinakbuhan na rin umano ni Angeles ang kliyenteng nagngangalang John Haber sa isang kaso ng carnapping, ayon kay Guevarra.

Dagdag ng abogado, ilang mga indibidwal na konektado sa National Commission for Culture and Arts (NCCA) ang nagbunyag na si Angeles, na matagal nang nagsisilbing legal counsel ng NCCA, ay nagnakaw ng P240,000 sa Heritage Foundation.

“Madalas umano niyang kupitan ang honorarium para sa mga artist at pinalalaki ang kanyang gastos sa mga biyaheng may kaugnayan sa kanyang trabaho sa NCCA.”

Bukod sa pagtangging isauli kay Dongga-as ang kabayarang nasingil, humingi umano ng karagdagang P45,000 si Angeles at Paler bilang pambayad sa mga kinuha nilang “consultant” sa kaso.

Hinggil sa suspensiyong ipinataw ng Korte Suprema, ibinunyag ni Guevarra na ini-set-up umano ni Angeles ang kanyang partner na si Paler upang ‘madamay sa parusa hinggil sa gusot niyang kinasasangkutan.’

Matapos ang masusing imbestigasyon, pinatawan si Angeles ng IBP Committee on Bar Discipline ng apat-buwan suspensiyon, na pinalawig ng Korte Suprema sa tatlong taon.

Ayon kay Atty. Theodore Te, hepe ng SC Public Information Office, “Sa kabila nang paulit-ulit na follow-up, hindi nakapaglabas ng ano mang petition for annulment ang mga nasakdal maliban sa kung ano-anong kadahilanan kabilang na ang kawalan umano ng rekord ng kasal (na pinabulaanan ng nagreklamong kliyente).”

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *