CAUAYAN CITY, Isabela – Patay ang isang negosyante at ika-10 sa drug watchlist ng pulisya makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga lalaki kamakalawa.
Ang biktima ay si Kokrit Verzola, 37-anyos, aresidente ng Tallungan, Reina Mercedes, Isabela.
Ayon kay Chief Insp. Edgar Pattaui, hepe ng Reina Mercedes Police Station, nakikipag-inoman ang biktima sa kanilang lugar nang dumating ang dalawang suspek na lulan ng motorsiklo at pinagbabaril si Verzola.
Sinabi ni Pattaui, posibleng personal na alitan o may kaugnayan sa illegal na aktibidad ang motibo sa insidente.
Napag-alaman, kamakailan ay nakaaway ng biktima ang kanyang tiyuhin sa mismong establishment na pag-aari ni Verzola.
Lumalabas din sa kanilang pagsisiyasat na si Verzola ay number 10 sa talaan ng pulisya na minamanmanan dahil sa pagkakasangkot sa illegal na droga.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com