Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Biktima ng summary killing natagpuan sa Makati

NATAGPUAN ang bangkay ng hindi kilalang lalaki sa itim na plastic garbage bag sa gilid ng kalsada sa Makati City kahapon ng madaling araw.

Inilarawan ng Makati City Police ang biktimang nasa hustong gulang, nakasuot ng pula at puting long sleeves at itim na short pants.

Ayon sa inisyal na ulat, dakong 1:30 am kahapon natagpuan ng isang residente ang isang kahina-hinalang itim na plastic garbage bag sa tapat ng bahay sa 9099 Labanda St., Brgy. Guadalupe Nuevo.

Nang suriin, tumambad ang bangkay ng isang lalaki na natatakpan ng packaging tape ang mukha, nakatali ang mga kamay at paa habang may bakas ng dugo sa leeg na posibleng  palatandaan ng tama ng saksak o bala ng baril.

Agad ipinabatid ng residente sa mga opisyal ng barangay ang pagkakatagpo sa biktima at lumitaw na hindi ito kilala sa lugar.

Hinihinalang pinatay ang biktima sa ibang lugar at itinapon sa nabanggit na kalsada upang iligaw ang imbestigasyon ng pulisya.

Inaalam ng awtoridad ang pagkakilanlan ng biktima at sinusuri ang closed circuit television (CCTV) camera malapit sa lugar.

( JAJA GARCIA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …