Wednesday , April 9 2025

Paumanhin ni Duterte tinanggap ni Sereno

NANINIWALA ang Palasyo na nakikipagtulungan si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno sa gobyernong Duterte.

Ito ang reaksiyon ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa pagtanggap ni Sereno sa paghingi ng paumanhin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa maaanghang na mga salitang pinakawalan ng punong ehekutibo laban sa punong mahistrado.

“The Chief Justice appreciates the President’s latest remarks. As previously announced, she will no longer say anything on the matter,” anang kalatas ng Korte Suprema kaugnay sa paghingi ng paumanhin ni Duterte sa kanya kamakalawa ng gabi sa Davao City.

Giit ni Panelo, dapat nagtutulungan ang bawat sangay ng pamahalaan at ipinaalala niya na ginagampanan lang ni Pangulong Duterte ang kanyang tungkulin na bigyan proteksiyon at pagsilbihan ang sambayanang Filipino.

“Kami naman, we believe that the chief justice is cooperating with the gov’t, e dapat naman talagang nagko-cooperate pare-pareho basta ang palagi lang naming predicate, na we would like to remind everyone in the government that under Article 2 states very clearly, that the government has the prime duty to serve and protect the people. E sino ba ang head ng government? Si Presidente, so he has the duty to protect and serve the people, serve and protect the people. That’s the primary duty of the President kaya ginagawa niya ang lahat,” pahayag ni Panelo.

Matatandaan, nagsimula ang iringan ng ehekutibo at hudikatura nang ibulgar ni Pangulong Duterte na pitong hukom ang kasama sa kanyang narco-list.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Bulacan Police PNP

Bulacan police ops
3 tulak, 2 pugante swak sa hoyo

SA PINAIGTING na pasisikap ng pulisya laban sa kriminalidad, naaresto ang limang indibidwal na pawang …

knife, blood, prison

Step-son patay, ka-live-in sugatan sa saksak ng selosong partner

NADAKIP ng pulisya nitong Sabado, 5 Abril, ang isang lalaking inakusahang pumatay sa kaniyang anak-anakan …

Marilao Bulacan Planta sangkap bomba NBI

Sa Marilao, Bulacan
Planta ng sangkap sa paggawa ng bomba sinalakay ng NBI

SINALAKAY ng National Bureau of Investigation (NBI) sa tulong ng lokal na pulisya ang isang …

Cebu

Cebu isinusulong bilang Heritage Pilgrimage

ISINUSULONG ni Senador Lito Lapid ang pagpapalago ng heritage at pilgrimage tourism destinations sa lalawigan …

Chiz Escudero Imee Marcos

In aid of legislation
Imbestigasyon ni Marcos Ipinagtanggol ni Escudero

IPINAGTANGGOL ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang isinasagawang imbestigasyon ng Senate committee on foreign …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *