Monday , December 23 2024

5 patay, 70K katao apektado ng habagat

081516 pader guho
GUMUHO ang bahay na ito makaraan matibag ang pader ng kadikit na paupahang bahay sa gilid ng pader ng Manila City Jail na ikinamatay ng dalawang babaeng hindi nakalabas dahil sa kasagsagan ng ulan kamakalawa ng umaga sa Oroquieta St., Sta. Cruz, Maynila. (ROMULO BALANQUIT)

INIULAT ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), limang indibidwal ang namatay sa kasagsagan nang malakas na pagbuhos ng ulan sa Metro Manila.
Ayon kay NDRRMC Undersecretary Ricardo Jalad, patuloy  nilang mino-monitor ang lagay panahon.

Tiniyak din ni Jalad na sapat ang food packs sa evacuation centers.

Batay sa datos ng NDRRMC, nasa 15,665 pamilya o nasa 70,665 indibidwal ang naapektohan ng pag-ulan dulot ng habagat sa regions 3, 4-A, 6, Negros, ARMM at Metro Manila.

Mula sa kabuuan, nasa 5,138 pamilya ang nanatili sa evacuation centers.

Tinututukan ng NDRRMC ang lagay ng panahon at ang antas ng tubig sa pangunahing mga dam at ilog.

Nakataas ang orange rainfall warning sa Zambales at Tarlac habang nasa ilalim ng yellow rainfall warning ang Metro Manila, Rizal, Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan at Bataan.

6 BAHAY NATABUNAN SA 2 LANDSLIDE SA RIZAL

KINOMPIRMA ni Dong Alonzo ng Rizal Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), anim bahay ang natabunan sa naganap na dalawang landslide sa kanilang lalawigan kahapon ng umaga.

Ayon kay Alonzo, sa unang pagguho ng lupa, apat bahay ang naapektOhan sa San Mateo, na tinutuluyan ng 23 katao.

Makalipas ang ilang sandali, isa pang landslide ang nangyari sa kalapit NA lugar at dalawang bahay ang napinsala.

Walang nasaktan sa insidente ngunit inalerto ang mga nananatili sa nasabing bayan na agad lumikas kung magpapatuloy ang matinding pag-ulan.

Nabatid na lumambot ang lupa sa halos isang linggong ulan dulot ng hanging habagat.

LA MESA DAM NASA RED ALERT

BUNSOD nang patuloy na pagbuhos nang malakas na ulan dulot ng habagat, nananatiling nasa red alert ang La Mesa Dam.

Batay sa report nitong Linggo ng umaga, nasa 80.05 meters na ang water level ng nasabing dam.

Ang overflow level ng La Mesa ay 80.15 meters.

Ang mga residente na nakatira sa bahagi ng Tullahan River ay hiniling lumikas simula nitong Sabado nang pumalo sa 79.62 meters ang water level.

Kahapon ng umaga, mahigpit na mino-monitor ng mga lokal na pamahalaan ang tubig sa dam.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *