Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Olympian athlete napagkamalang si Leonardo DiCaprio

TOTOO nga bang nagwagi ang aktor na si Leonardo DiCaprio sa Rio Olympics?

Nagwagi si DiCaprio, o ang kamukha ng aktor na si Brady Ellison, ng silver me-dal sa archery para sa Team USA nitong nakaraang Agosto 6.

Tunay nga, sa unang sulyap, mapagkakamalan si Ellison bilang lead actor ng pelikulang Titanic, at ito ang napansin ng Twitter:

Gumugol ng panahon si Ellison malapit sa Los Angeles, nang naninirahan siya sa Chula Vista, California, ka-lapit lang ng San Diego.

Siyempre, marahil ay gayon din si DiCapriona madalas na nasa L.A.

Parehong 6’0″ ang taas nina Ellison at DiCaprio.

Pareho rin silang may balbas at bigote, na kapag tinitigan ay halos magkapareho ng tubo.

Pareho rin silang nagwagi ng ‘medalya’ — iniuwi ni DiCaprio ang ginto (sa Oscar awards) at iniuwi rin ni Ellison ang silver.

Ang panalo rin ni Ellison ay ikalawang pagkakataon na nag-uwi siya ng Olympic silver.

“I’m excited, I’m happy,” wika ni Ellison matapos mapanalunan ang kanyang medalya.

“After London, I was pissed off. We didn’t shoot the best we could and we lost the gold medal there. We got out there and did our job and won the silver tonight,” dagdag pa ng mamumuslo, o archer.

Ngunit hindi pa rin makapaniwalang hindi siya si DiCaprio.

Napansin ito ng Internet at Twitterverse.

Mayroon pa kayang ibang atleta sa Olimpi-yada na may kahawig na artista?

Kung mayroon man, hindi ito makaliligtas sa mga netizen.

ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …