Balik sa pista ng Sta. Ana Park (SAP) ang pakarera ngayong gabi at hanggang kahapon habang ginagawa ko itong kolum natin ay hindi pa rin tapos ang pagbatikos ng mga klasmeyts natin mula sa iba’t-ibang grupo ng mga karerista sa social network, lalo na nung may lumabas na report mula sa grupo ng mga “Board Of Stewards” (BOS) diyan sa SAP.
Nagsasaad ang report mula sa BOS ng ganito: “When questioned AP Asuncion (Mr. Universe) explained that he rode his mount on tight reins but was gradually putting pressure on it. Jockey claimed that shortly after passing the final turn his mount suddenly became spent. Stewards took no objection to his ride”.
Aguy-aguy at isa pang aguguy. Grabe naman, dahil ramdam at kitang-kitang ang galaw ni hinete sa ibabaw kumpara kapag talagang palaban siya.
Narito pa ang ilang komento at hinaing ng mga BKs:
“Hindi naman niya (Asuncion) sinubukan kung meron pa si kabayo, hindi naman niya kasi ginalawan at pinalo.” – K.Raquel
“BOS ang dapat pinapatawan ng sanctions for not doing their job well.” – ER Lanao
“Pasado sa kanila yung paliwanag na ganun ? Kung talagang ubos na si kabayo, dapat nakita man lang na kinayog at pinalo niya (Asuncion) yung kabayo.” – E.Santos
“ Dapat isama sa watchlist iyang mga BOS na iyan.” – N.Menpin
“Nakatimbre lang sa inyong mga racing stewards iyan…Push niyo pa iyang mga kalokohan ninyo, isunod na kayo ni Digong na mga corrupt na racing officials !!!” – E. Apolonio
“Napaniwala niya (Asuncion) ang BOS sa alibi niyang iyon !!” – C.Castillo
”Ogag pala sila, kitang-kita na hindi gumagalaw yung ogag na hinete.” – M.Velez
Sa mga komento at hinaing na iyan ng mga karerista na nakakatulong upang madagdagan ang buwis sa gobyerno ay panahon na siguro upang isigaw at ilapit ang panawagan kay Pangulong Rodrigo R. Duterte na dapat nang linisin, ayusin at palitan na ang mga namumuno diyan sa karerahan ng SAP, lalong-lalo na iyong lahat na miyembro ng BOS na matagal nang hindi pinapangalagaan ang bayang karerista, mga may-ari ng kabayo na nag-iinvest at higit sa lahat ay ang industriya ng karera dito sa ating bansa.
Parusahan kung dapat na parusahan ang mga BOS na iyan diyan sa SAP, dahil matagal na nilang hindi ginagampanan ang tunay at talagang tuntunin nila bilang mga racing stewards.
Sa puntong iyan ay huwag na tayong magalit kay Apoy kung alin sa mga sumusunod ang naging dahilan, na sinunod lang niya ang order o utos sa kanya ? O alin sa mga naibahagi sa atin ng sota sa SAP na malakas siyang manaya ? gumagawa siya ng karera ? at may malakas siyang mananaya ? puwede rin ang posibilidad na binigyang puntos niya iyong bagong mananakay na magwagi sa laban ? Well, alin man sa mga katanungang iyan ang nangyari sa pagkabigo ng kabayong si Mr. Universe ay maging isang aral at babala na lamang iyon na hindi na dapat suportahan ng labis ang mga susunod na sasakyan niya. Gaya na lamang ng hindi pagsuporta ng ilang klasmeyts natin sa mga kilalang class-A riders, na mas magaling magtago at hindi halatang magperder.
Para sa mga BOS, ipasok ninyo sa kukute ninyo ang kasabihan na binitiwan ng ating mahal na Pangulong Duterte na “gawin mo ang trabaho mo at gagawin ko ang trabaho ko’.
Ayan at may mairerekomenda kaming mga BKs sa inyo mahal na Pangulong Duterte sa hindi pagtupad ng parehas sa kanilang tungkulin bilang mga BOS. Hangad ng mga BKs na maalis ang mga BOS sa SAP. Maraming Salamat Pangulong Duterte.
REKTA’s GUIDE (Sta. Ana Park/6:30PM) :
Race-1 : (5) Precious Jewel, (4) Wafu The King, (6) Mr. Enrico.
Race-2 : (4) Blue Sapphire, (1) Tang’s Dynasty, (6) Bowties And Charm.
Race-3 : (3) Classic Example, (4) Escopeta, (6) Dave Joshua.
Race-4 : (7) Wise Ways, (6) Battle Hill, (3) Toinfinitynbeyond, (9) Above The Knee.
Race-5 : (2) I Don’t’ Mind, (3) Masskara, (6) Friends For Never/Reward For Effort.
Race-6 : (5) Skydrifter, (1) Global Warrior, (7) Bossa Gurl.
Race-7 : (7) Agent Zarto, (5) Iron Monk, (2) Prodigy.
REKTA – Fred L. Magno