Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aura, tinapatan ang galing ni Vice Ganda

00 fact sheet reggeeHINAYANG na hinayang kami at hindi namin napanood ang Gandang Gabi Vice noong Linggo dahil ang galing-galing daw ng batang si McNeal Briguela or Aura at Mac Mac naman sa FPJ’s Ang Probinsyano dahil hindi raw talaga siya nagpatalo kay Vice Ganda nang mag-showdown sila sa sayawan at aktingan.

Hinanap kaagad namin sa youtube ang nasabing episode at talagang grabe ang tawa namin kina Vice at Aura at ang daming views ha at komento na ‘Vice Ganda in the making daw si Aura.’

Oo nga Ateng Maricris, Vice na Vice ang dating ng bagets lalo na sa aktingan portion.

Anyway, sabi mismo ng mga nakapanood ay bitin na bitin sila kina Vice at Aura at bagay na bagay daw silang magsama sa isang programa.

Oo nga sana bigyan ng segment sina Vice at Aura sa Gandang Gabi Vicedahil tiyak na papatok ito at hindi naman magkaka-problema sa DOLE dahil maaga naman ang taping ng GGV.

Sa pelikula ay kasado na dahil kasama si Aura sa pelikulang pagsasamahan nina Vice at Coco Martin sa entry ng Star Cinema sa 2016 Metro Manila Film Festival na mapapanood sa Disyembre.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …