IPATUTUPAD ni Pangulong Rodrigo Duterte ang travel ban laban sa bigtime tax evaders.
Sa media interview sa Davao City kamakalawa ng madaling araw, sinabi ng Pangulo, isang krimen ang hindi pagbabayad ng tamang buwis sa pamahalaan kaya dapat pagbawalan silang magbiyahe palabas ng bansa gaya ng ordinaryong mga kriminal.
“You cannot travel anymore. Diyan sa immigration sasabihin mo (BIR) parahin mo kasi may violation ‘yan . I will order the BIR to file cases. Once it is pending in court, your freedom of movement is curtailed,” ayon sa Pangulo.
Uutusan ng Pangulo ang pulis at militar na tiktikan ang mayayamang tax evaders, papupuntahan sila sa bahay para uriratin ang kanilang mga ari-arian.
Hihilingin din ng Pangulo sa media na samahan ang awtoridad sa pagpunta sa bahay ng tax evaders para mag-imbestiga.
“My guarantee to you is that kapag nakabayad na kayo sa tamang taxes, you will be freed of harassments, wala na ‘yung BIR na magpunta roon kalikutin ‘yung records at papel, I will not allow that,” aniya.
Ibubulgar ng Pangulo ang mga pangalan ng tax evaders kapag nakompleto na ng BIR ang listahan.
( ROSE NOVENARIO )