Monday , December 23 2024

Marcos kuwalipikado sa Libingan — Palasyo

HINDI sinampahan ng kasong may kinalaman sa moral turpitude kundi kasong sibil lang ang kinaharap  ni dating Pangulong Ferdinand Marcos kaya kuwalipikado siyang ihimlay sa Libingan ng mga Bayani.

Sinabi ni Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo, walang legal na basehan ang pagtutol ng ilang grupo sa paglibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

“Mr Marcos was not charged with crime of moral turpitude. If you’re referring to civil cases regarding estate, it is a civil case,” ani Panelo.

Malaya aniya ang sino man na kumontra sa pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilibing sa Libingan ng mga Bayani si Marcos ngunit nakahanda ang gobyerno na ipagtanggol sa korte ang naturang pasya.

“It does not distinguish whether President is good or bad, handsome or ugly. If you’re President, you’re entitled to be buried there,” sabi ni Panelo.

Naging sundalo rin aniya si Marcos, lumaban sa Japanese, itinatag ang Maharlika group kaya puwede talaga siya ihimlay sa Libingan ng mga Bayani.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *