Saturday , May 10 2025
Malacañan CPP NPA NDF

Tensiyon sa GRP — CPP-NPA/NDF tumitindi (12 araw sa Oslo peace talk)

LABINDALAWANG araw bago ang simula ng peace talk sa Oslo, Norway, tumitindi ang tensiyon sa pagitan ng administrasyong Duterte (GRP) at Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Ibinasura kahapon ng CPP ang itinakdang ultimatum sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte na kakanselahin ang peace talk kapag hindi itinigil ang paggamit ng command-detonated landmines.

Sa kalatas ng CPP, sa araw-araw na pag-iikot ni Duterte sa mga kampo-militar ay nagiging utak-pulbura siya dahil napapaligiran ng US-trained military officers.

Anang CPP, nagiging matingkad ang pagnanasa ni Duterte na wakasan ang armadong rebelyon sa pamamagitan nang panunupil.

“GRP President Duterte’s mindset is becoming more and more ‘militarized’ as he hops from one military camp to the next. As he surrounds himself daily with US-trained military officers and soldiers, it appears that he is more and more obsessed with ending the armed revolution through suppression,” sabi sa CPP statement.

Ang pagbibigay anila ng ultimatum ni Duterte ay taktika lang upang mapagtakpan ang hindi pagtupad sa pangakong palayain ang lahat ng detenidong politilal at ibaling ang sisi sa kilusang rebolusyonaryo.

Gayonman, iginiit ng CPP ang suporta sa negosasyong pangkapayapaan kasabay nang panawagan kay Duterte na tuparin ang pangako na palayain ang lahat ng political detainees upang maiambag ang kanilang kahusayan sa diskusyon sa mga repormang tutugon sa problema ng bayan.

Sa kanyang talumpati kahapon sa 8th Infantry Division sa Catbalogan, Samar, muling nagbabala si Duterte na kapag gumamit muli ang NPA ng landmine sa opensiba laban sa militar ay burado na ang peace talk sa kanyang bokubularyo.

“We want peace, lahat kayo pamilya n’yo but do not use that landmine pag may narinig ako na isang putok goodbye. Goodbye ‘yung peace panel, uwi na kayo don’t waste your money there and talk nonsense,” anang Pangulo.

Ipinagbabawal aniya ang paggamit ng landmine sa Geneva Convention at hindi lahat ng panahon ay maninikluhod ang gobyerno sa mga rebelde.

“Di ako nag-warning I’m not even giving ultimatum even I’m just saying pag puputok uli landmine which is prohibited by Geneva Convention, I’ll forego the peace talks and forget about it, di naman lahat ng panahon always ang gov’t kneeling down is impossible,” aniya.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Abby Binay Nancy Binay

Abby Binay ‘much better’ matalo sa Senado kaysa manalo si Nancy sa Makati

TILA ‘much better’ pa kay Mayor Abby Binay na matalo sa Senado at mabigong makapasok …

ACT-CIS Partylist

ACT-CIS Partylist nakapaghatid ng mahigit P1.4-B serbisyo sa 300k plus Filipino sa isang taon

BILANG patunay ng matibay na adbokasiyang mailapit ang serbisyo publiko sa mamamayan, matagumpay na naipamahagi …

Erwin Tulfo

Sa pinakabagong SWS survey
ERWIN TULFO, CONSISTENT FRONTRUNNER SA SENADO

ILANG araw bago ang eleksiyon sa Lunes, 12 Mayo, patuloy na nangunguna sa karera sa …

050925 Hataw Frontpage

Habemus Papam

HATAW News Team HINIRANG na ang bagong Santo Papa ng Simbahang Katoliko. Kahapon, 8 Mayo …

Alden Richards Tom Cruise

Alden Richards sobra ang katuwaan nang makita si Tom Cruise  

MATABILni John Fontanilla KITANG-KITA ang katuwaan kay Alden Richards nang makaharap ng personal ang  Hollywood …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *