Tuesday , May 13 2025

Vice mayor sa Cagayan patay sa ambush

TUGUEGARAO CITY – Patay ang vice mayor ng bayan ng Pamplona, Cagayan makaraan pagbabarilinn ng dalawang hindi nakilalang lalaki kamakalawa ng gabi.

Ayon sa PNP Pamplona, agad silang nagtungo sa lugar at nadatnang patay na si Vice Mayor Aaron Sampaga sa bahay ng isa niyang kaibigan sa Brgy. Masi.

Ayon sa PNP, dumaan sa river control ang mga suspek at doon din tumakas makaraan ang pamamaril sa vice mayor.

Hinabol ng mga pulis ang mga suspek ngunit hindi na nila naabutan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, pinada ng mga suspek ang anim na kasama ni Sampaga bago pinagbabaril ang opisyal.

Sa ngayon, nagsasagawa pa ng hot pursuit operation ang mga awtoridad sa dalawang salarin.

Puspusan din ang ginagawang imbestigasyon upang malaman kung sino ang nasa likod ng insidente  at motibo sa krimen.

About hataw tabloid

Check Also

COMELEC Vote Election

Konsensiya at puso gamitin sa pagboto

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ESPESYAL ang araw na ito para sa bansa. Huhusgahan na natin …

L sign Loser Vote Election

Mga artista mas ok kaysa trapo o dinastiya

I-FLEXni Jun Nardo EXCITING sa aming taga-showbiz malaman kung sino-sino ang papalarin sa mga artistang …

Elections

Init ng ulo ‘wag pairalin ngayong botohan 

I-FLEXni Jun Nardo ELECTION day! Hmm, alam na ninyo kung sino ang dapat iboto, huh! …

LTO- NCR, HPG Region 4-A, ginagamit sa local politics sa Quezon

LTO- NCR, HPG Region 4-A, ginagamit sa local politics sa Quezon

NANAWAGAN ang mga residente sa Commission on Elections (Comelec) na silipin ang paggamit sa isang …

Arrest Posas Handcuff

Trike driver huli sa pang-aabuso

KULONG ang isang tricycle driver na nasentensiyahan ng kasong child abuse matapos malambat ng Navotas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *