INIHAIN sa Kamara ang panukalang naglalayong taasan ang matatanggap na minimum na sahod ng mga pulis kada buwan.
Sa House Bill 1325 ni Surigao Del Sur Rep. Johnny Pimentel, makatatanggap ang mga pulis ng P50,000 buwanang minimum na sahod mula sa kasalukyang P14,834 base pay ng mga pulis na may ranggong PO1.
Ang umento aniya sa sahod ng mga pulis ay depende sa iba’t ibang konsiderasyon kagaya sa kanilang ranggo, kuwalipikasyon at haba ng serbisyo sa Philippine National Police.
Paliwanag ni Pimentel, nararapat lang na taasan na ang base pay ng mga pulis dahil batay pa rin ang kasalukuyang sahod nila sa sa 2009 rate.
Nahuhuli na rin aniya ang pasahod sa pulis dahil nabigyan na ng umento ang ibang sibilyang kawani ng gobyerno.
Naangkop lamang din aniya ang kanyang panukala dahil maituturing na mabigat ang trabaho ng mga pulis dahil sa araw-araw na paglaban sa mga kriminal.