Thursday , June 4 2026
arrest posas

2 Arabo tiklo sa rape sa 2 dalagita sa Baguio

ARESTADO sa mga pulis ang dalawang dayuhang sinasabing sangkot sa panghahalay sa dalawang menor de edad sa Baguio City.

Nakuha rin sa hotel room ng mga suspek ang siyam pakete ng marijuana.

Nagpakilalang taga-Dubai ang naarestong sina Waleed at Abdhelraman.

Ayon sa security head ng hotel, nagreklamo ng panggagahasa ang dalawang 16-anyos dalagitang kasama ng mga dayuhan.

Sinasabing galing pa sa Tondo, Maynila ang mga dalagita.

Nasa pangangalaga na sila ng women’s desk ng Baguio City Police.

Tumangging magbigay ng komento ang dalawang dayuhang nahaharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at trafficking in persons.

Isinailalim na sila sa drug test.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …