Sunday , May 11 2025

Charter flight iniutos ni Digong para sa stranded OFWs sa Saudi

NAGPAPAKUHA ng charter flight si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte para sa mga stranded na overseas Filipino workers (OFW) sa Saudi Arabia upang mabilis ilang makauwi sa bansa.

Ayon kay Presidential Legal Adviser Salvador Panelo, iniutos ni Pangulong Duterte ang mabilisang pagpapauwi sa stranded na OFWs sa Saudi Arabia.

Sa ginanap na cabinet meeting kamakalawa ng gabi, sinabi ng Pangulo, dapat sunduin na ang stranded na OFWs sa Saudi Arabia upang hindi na mapalawig pa ang kanilang paghihirap.

Ayon kay Panelo, ang utos ni Pangulong Duterte kina Presidential Adviser on OFWs, Abdullah Mamao at Labor Secretary Silvestre Bello III ay isama na pauwi ng Filipinas ang mga OFW na nais nang umuwi ng bansa.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Abby Binay

Sa Makati Subway Project, pagsasara ng pasilidad sa EMBOs
ABBY BINAY NAHAHARAP SA CRIMINAL, CIVIL CASES

NAHAHARAP si Mayor Abby Binay sa dalawang magkahiwalay na kasong kriminal at sibil dahil sa …

Bagong Henerasyon Partylist

Bagong Henerasyon (BH) pasok sa winning cricle ng SWS survey

HALOS nakatitiyak na ang Bagong Henerasyon (BH) Partylist ng isang puwesto sa Kongreso base sa …

051025 Hataw Frontpage

Tarpaulin sa highways ipinababaklas
KAMPANYA LAST DAY NGAYON — COMELEC
Alak, sabong bawal din

HATAW News Team NAGPAALALA kahapon ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato sa May …

TRABAHO Partylist, umapela sa dagdag na Digital Services Tax para sa freelancers

TRABAHO Partylist, umapela sa dagdag na Digital Services Tax para sa freelancers

UMAPELA ang TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, sa mga mambabatas na magsulong rin ng …

Benhur Abalos

Benhur Abalos nagulat pag-endoso ni Vice Ganda; Roselle Monteverde iginiit unahin ang bansa

ni MARICRIS VALDEZ MALAKI ang pasasalamat ni Senatorial candidate Benhur Abalos kay Vice Ganda sa pag-eendoso sa kanya. Sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *