Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drugs dead

Rookie cop patay sa drug bust

CAMP OLIVAS, Pampanga – Patay ang isang rookie cop na sinasabing sangkot sa droga makaraan barilin ng mga pulis nang pumalag sa drug-bust sa Bocaue, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Acting PRO3 Director, Chief Supt Aaron Aquino, lumaban ang suspek na si PO1 Franco Sagudang, dating miyembro ng Regional Public Safety Battalion, ng Brgy. Caingin, ng nasabing lugar.

Napag-alaman, dakong 10:00 pm, nagsagawa ang mga awtoridad ng drug-bust operation sa Eufemio Sanchez Alley ng nasabing barangay laban kay Sagudang at mga kasamahang sina Ramil Serrano, Evelyn Roque, Arlyn Gumasing, at Marites Dinalo.

Natunugan ng suspek na kabaro ang naka-deal kaya’t agad bumunot ng baril at pinutukan ang mga operatiba.

Gumanti ng putok ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkamatay ni Sagudang habang nahuli ang mga kasamahan ng suspek.

Narekober ng mga pulis ang limang shachet ng shabu, marked money, at ang .38 revolver ng suspek.

( RAUL SUSCANO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Raul Suscano

Check Also

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …