Monday , December 23 2024

CPP ‘di aatras sa peace talk

080216_FRONT

UMAASA ang Communist Party of the Philippines (CPP) na maipagpapatuloy pa rin ang usapang pangkapayapaan sa gobyerno sa kabila nang hindi pagkakaunawaan kaugnay sa pagdedeklara ng tigil-putukan.

Ayon sa CPP, welcome sa kanila ang deklarasyon ng ceasefire ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo 25 bilang hakbang sa isinusulong na itinakdang NDFP-GRP peace negotiations. Ngunit nanghinayang sila na agad din itong binawi ng Pangulo.

Gayonman, umaasa silang hindi nito maaapektohan ang paghahanda para sa pormal na pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan na itinakda sa Agosto 20-27 sa Oslo, Norway.

“We trust, however, that this will not affect preparations for formal resumption of peace negotiations scheduled for August 20-27 in Oslo, Norway, nor will it preclude the GRP President from reissuing such a declaration simultaneously with a similar unilateral declaration by the CPP and NPA on August 20.”

Paliwanag ng CPP, nang magdeklara ng unilateral ceasefire si Pangulong Duterte, agad itong tinugunan ng CPP at NPA sa pamamagitan nang pag-uutos sa lahat ng NPA units na umakto sa defense mode, habang hinihintay ang CPP Central Committee sa pag-evaluate sa sitwasyon at mag-isyu ng nararapat na utos.

Anila, sa anunsiyo ng Information Bureau dakong 4:00 pm, ang reciprocal ceasefire declaration ay itinakdang ipalabas ng CPP dakong 8:00 pm nitong Sabado.

Gayonman, inianunsiyo ng Malacañang ang pagbawi ng gobyerno sa ceasefire declaration dakong 7:30 pm.

Nitong Huwebes, sa kanyang pagsasalita sa harap ng mga sundalo sa Lucena, Quezon, nagbanta si Pangulong Duterte na babawiin ang ceasefire declaration kapag wala siyang natanggap na paliwanag kaugnay sa ambush sa mga sundalo.

Hindi anila binawi ng Pangulo ang kanyang ultimatum maging makaraan ibunyag nitong Biyernes ng NPA na ang AFP ay nagsagawa ng opensiba na hindi pagsunod sa unilateral ceasefire ng gobyerno.

Pinayuhan ng CPP si Pangulong Duterte na maging mahinahon upang maiwasan ang pagpapadalos-dalos katulad ng pagpapalabas ng ultimatum na lalong magpapatindi sa tensiyon.

Diin ng grupo, hindi tumalima ang AFP sa ceasefire declaration ni Duterte at hindi iniutos ang pag-atras ng kanilang mga tropa para bumalik sa kanilang barracks.

Hindi rin anila sinsero si AFP Chief Gen. Ricardo Visaya sa kanyang pangakong pagsuporta sa peace talks at sa ceasefire declaration.

“In fact, in his suspension of offensive military operations, he ordered AFP combat troops to continue with so-called civil-military operations under Oplan Bayanihan, a euphemism for combat, psywar, surveillance and intelligence operations targeting civilian communities,” ayon sa CPP.

Anila, noong Miyerkoles ng umaga, naglunsad ng ambush ang NPA laban sa operating units ng auxilliary forces of the 72nd Infantry Battalion sa Kapalong, Davao del Norte.

Binigyang-diin nilang ginawa ito ng NPA bilang depensa dahil sa nakaambang paglusob ng tropa ng auxilliary forces ng 72nd IB ng AFP.

Sinabi ng CPP, gumawa na sila ng draft para sa unilateral ceasefire bilang paghahanda sa peace talks sa rehimeng Duterte. Ngunit nagdeklara anila si Duterte ng unilateral ceasefire bago tinupad ang pangakong pagpapalaya sa NDFP consultants at political prisoners.

“The CPP took the more prudent path of moving slowly in a deliberate effort to observe the situation at the ground even as it ordered the NPA to stay on active defense. The CPP, however, will not allow itself to be browbeaten to order the NPA to go on a ceasefire while operating troops of the AFP showed no plans on letting up in their search-and-destroy operations and frenzied offensives that terrorize civilian communities,” ayon sa grupo.

Gayonman, inihayag ng CPP ang kanilang buong suporta para sa pagpapatuloy ng peace negotiations at umaasa na tutuparin ni Duterte ang pangakong pagpapalaya sa lahat ng peace consultants ng NDFP gayondin ang political prisoners.

“To further support peace negotiations, the CPP is willing to issue a unilateral ceasefire declaration separately but simultaneously with the Duterte government on August 20,” pahayag pa ng CPP.

HATAW News Team

Pangako ni Digong

POLITICAL DETAINEES MISUARI PALALAYAIN

NAKAHANDA si Pangulong Rodrigo Duterte na pansamantalang palayain ang political detainees mula sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) at ang puganteng Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari kapag naging maayos ang takbo ng peace talks.

Sinabi ng Pangulo, bago magsimula ang peace talks sa komunistang grupo sa Oslo Norway sa Agosto  ay palalayain munang pansamantala ang mag-asawang CPP leaders na sina Benito at Wilma Tiamzon para lumahok sa usapang pangkapayaan.

“Ang redeeming factor ng rebelde, they are waging rebellion ideology driven. So ang redeeming factor, because you want a better set up for the people. Walang death penalty,” sabi niya sa media interview sa Palasyo kahapon.

Pagkakalooban muna aniya ng safe conduct pass sina Tiamzon at ipauubaya niya sa government peace panel ang magiging diskarte sa peace talks dahil tiwala siya sa kanilang kakayahan.

Ang communist political detainees ay nahaharap sa mga kasong kriminal ngunit kapag napatunayan nila sa hukuman na ang kanilang ginawa ay alinsunod sa isinusulong na ideolohiya ay maaari silang bigyan ng amnestiya ng Pangulo gaya nang ginawa ni dating Pangulong Benigno Aquino III sa mga rebeldeng maka-kanan o Magdalo Group.

Binigyan-diin ni Pangulong Duterte, prayoridad ng kanyang administrasyon ang pagtatamo ng tunay na kapayapaan sa bansa.

“Ito namang komunista, kaibigan kami…they are socialist, but they are Communist Party of the Philippines. I am just a socialist in my dimensions kasi anak ako ng mahirap,” aniya sa Presidential Security Group (PSG) dinner with the President kamakalawa ng gabi.

Binawi ni Duterte ang idineklara niyang unilateral ceasefire laban sa CPP-NPA-NDF nang mabigo ang grupong tumbasan ito at tinambangan ang convoy ng militiamen sa Davao del Norte.

Ngunit natuwa siya nang mangako ang CPP na magpapahayag ng kanilang hiwalay at sabay na unilateral ceasefire sa pagsisimula ng peace talks sa Agosto 20.

Samantala, nakahandang  magtungo sa Jolo, Sulu si Duterte upang personal na kausapin si Misuari para muling pag-usapan ang kapayapaan.

Aniya, handa rin niyang bigyan ng safe conduct pass si Misuari kapag nagsimula ang peace talks sa kanilang hanay.

Bukod sa MNLF, handa rin siyang makipag-usap sa hanay ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) upang ituloy ang peace negotiations sa kanila ng gobyerno.

( ROSE NOVENARIO )

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *