INAMIN ng pamunuan ng pambansang pulisya na marami pang mga pulis ang mare-relieve sa kanilang puwesto.
Una rito, nasa 88 pulis na nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD) ang sinibak sa puwesto dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga.
Ayon kay PNP chiefm Director General Ronald Dela Rosa, kapag ang isang pulis ay nakulayan sa ilegal na droga, wala na siyang puwang na manatili sa pwesto.
Paliwanag ni Dela Rosa, kapag hindi niya tinanggal sa puwesto ang mga pulis na sangkot sa ilegal na droga ay hindi na maniniwala ang taongbayan.
Sinabi ng PNP chief, nais niyang ipakita sa publiko kung gaano kaseryoso ang PNP sa kanilang anti-illegal drug campaign.
Kinompirma ni Dela Rosa, may mga pulis pa na nakatalaga sa region 6, 7, 8 ang ide-deploy sa Cordillera region.
May mga pulis din na taga-Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang nakatakdang ilipat sa bahagi ng northern Luzon.
Paglilinaw ni Dela Rosa, ang nasabing mga pulis na kabilang sa massive resuffle ay ‘nakulayan’ sa ilegal na droga.
Inihayag ni PNP chief, sa Region 3, nasa 100 pulis ang nakatakdang i-deploy sa iba pang mga lugar.
Tiniyak niya na lahat ng mga pulis na sangkot sa illegal na droga ay ide-deploy sa malalayong lugar.
ni ROSE NOVENARIO