Sunday , December 22 2024

Miss U tiyaking ‘di prehuwisyo sa Filipino

AGAD sisimulan ng Filipinas ang paghahanda bilang host ng 2016 Miss Universe pageant.

Sinabi ni Department of Tourism Secretary Wanda Teo, may napili na siyang nais maging venue ng coronation night sa Enero 30, 2017.

Ito ay sa Mall of Asia Arena sa Pasay City, nasa 20,000 ang capacity bagama’t patuloy pa itong pinag-aaralan.

Habang isasagawa sa anim lalawigan ang pre-pageant activities.

Ito ay sa Davao na hometown ni Pangulong Rodrigo Duterte, Cagayan de Oro lugar na pinagmulan ni reigning Miss Universe Pia Wurtzbach, Cebu, Palawan, Boracay at Vigan.

Ayon kay Secretary Teo, layunin nitong maiwasan ang prehuwisyo sa trapiko sa Metro Manila kapag dito ginanap ang pre-pageant activities.

Mahigpit daw na bilin ni Pangulong Duterte na tiyaking hindi mape-prehuwisyo ang mga Filipino sa pagho-host ng bansa sa prestihiyosong beauty pageant.

Wala rin gagastusin ang gobyerno dahil sagot ng sponsors mula sa pribadong sektor ang P500 milyon na gagastusin.

Taon 1994 nang huling mag-host ng Miss Universe pageant ang Filipinas.

Ang interior designer student na si Maxine Medina ang magiging pambato ng bansa sa Miss Universe 2016.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *