Sunday , December 22 2024

Pinoy sa reclamation ng China mananagot (Sa Panatag Shoal)

KAILANGANG managot ang sino mang Filipino na tumulong sa China para matambakan ng lupa para maangkin ang Panatag  (Scarborough) Shoal na sakop ng Masinloc, Zambales at bahagi ng West Philippine Sea (WPS).

Ito ang pahayag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella kaugnay sa ibinunyag ni Zambales Governor Amor Deloso na pinayagan ni dating Governor Hermogenes Ebdane na magbenta sa China ng lupa at malalaking bato mula sa tatlong bundok ng lalawigan  na ginagamit sa reclamation projects nito sa Panatag Shoal.

Bagama’t hindi aniya prayoridad sa ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing usapin, tiniyak ni Abella na pananagutin ng Palasyo ang ‘nagtraydor’ sa ating bansa.

“President Duterte at this stage is interested in moving forward. And on the other hand, like he said, those who are guilty would have to face the music. But he is allowing the process to take its own rhythm,” sabi niya.

Napag-alaman, sinuspinde na ni Deloso ang mining permits sa kanyang lalawigan.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *