Thursday , December 19 2024
PANGIL ni Tracy Cabrera

Party-list para sa mga drug pusher at adik

A grateful heart is a beginning of greatness. It is an expression of humility. It is a foundation for the development of such virtues as prayer, faith, courage, contentment, happiness, love, and well-being.

— James E. Faust

PASAKALYE: Pagbati sa aking mahal na ina sa kanyang kaarawan sa Hulyo 29.

BUMILIB tayo sa dami ng mga adik at pusher na napasuko simula nang maupong pangulo ng ating bansa si Davao City mayor Rodrigo Duterte.

Libo-libo ang kusang-loob na nagpunta sa pulisya (o barangay) para isuko ang kanilang sarili sa pamahalaan—ipakulong man sila o isa ilalim sa rehabilitasyon.

Sa gitna nito, nakita natin ang malaking bilang nila. Kinompirma din ang katotohanan sa pahayag ng pulisya at datos ng Philippine Drug Enforcement Administration (PDEA) na umaabot sa 92 porsiyento ng kabuuang barangay sa kapuluan ang apektado ng ilegal na droga.

Kung tunay nga ito, hindi nga ba puwede nang magkaroon ng party-list ang mga sangkot sa droga? Sa madaling salita, party-list representation para sa mga drug addict, drug pusher at drug syndicate!

Maaari ngang tawagin ang kanilang partido bilang ADIC, o Association of Drug-Infested Communities.

Ayos!

Tama si Pangulong Duterte

Tanging si Pangulong Duterte lamang ang nagbigay ng katiyakan na poprotektahan niya ang mga sundalo at pulis sa pagtupad ng kanilang tungkulin na labanan ang terorismo, mga criminal, drug lords at drug pushers. Hindi ito narinig sa kahit sinong presidente mula pa noong nagkaisip ang inyong lingkod. Tanging siya lamang ang nagpapahalaga sa law enforcers natin. Sa katunayan, hinahanapan na niya ng pondo ang karagdagang  sahod para sa kanila. Hindi naman talaga biro-biro ang pagtupad ng kanilang tungkulin. Tunay na nanganganib din ang kanilang buhay.

Tama si Pangulo. Isang madugong pakikibaka laban sa mga nagsusulong ng illegal drugs. Kaya huwag na tayong magtaka, matakot o mangamba dahil tunay na nililinis ni Pangulong Duterte ang ating lipunan. Ang susunod na henerasyon ay ligtas sa mga illegal drugs. Magiging mapayapa na ang ating buhay kapag totally na nawala na ang mga salot ng lipunan. — Filomena A. Martin ng Valenzuela Ville, Valenzuela City (filomena888martin @gmail.com, Hulyo 22, 2016)

No road to peace…

MASUWERTE kami na naimbenta namin si Dr. Amr Abadalla, isang paham na nagsusulong ng non-violent approach para sa mga extremists at radicals. Kailangan natin maunawaan mula sa pinaka-ugat kung bakit sila humahantong sa terorismo at karahasan. Kailangan mabago ang kanilang paniniwala sa turo ng Islam. Na ang Islam ay hindi nagsasagawa ng pagkasira ng sangkatauhan. Gawin natin matumbok ang kanilang kaisipan at puso laban sa maling paniniwala. Ibahin natin ang approach sa pag-counter ng terorismo. Ibigay natin sa kanila ang justice, equality at matugunan ang kanilang kahirapan.

Naniniwala ako na ang kapayapaan at katiwasayan ng mundo ay makukuha lamang sa magandang usapan. Makukuha lamang sa pang-unawa sa kapwa. Alisin ang kanyang galit, ibigay ang kaukulang katarungan sa kanyang natamong pang-aapi. Mas magandang gamitin ang non-violence strategy kaysa gumanti nang gumanti sa maling pamamaraan. Sabi nga niya, “No road to peace but peace is the road”. — Milagrosa A. Ventura ng St. Rose Homes, Quezon City (milagrosaventura@ gmail.com, Hulyo 19, 2016)

* * *

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o dili kaya’y i-text sa cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 0939122568 para sa Smart. Salamat po!

PANGIL – Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *