Sunday , December 22 2024

Ultimatum vs CPP-NPA banta ni Duterte (CAFGU inambus)

NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte na babawiin ang idineklarang unilateral ceasefire sa Communist Party of  the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front of the Philippines (CPP-NPA-NDFP) kapag hindi nagpaliwanag kaugnay sa pananambang sa convoy ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) militiamen sa Davao del Norte.

“Are we into this truce or not? Kapag wala, tatanggalin ko. I am demanding an explanation sa NPA. Mag-aantay ako hanggang ngayong gabi,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa harap ng mga sundalo sa Camp Nakar, Lucena City, Quezon kahapon.

Isang miyembro ng CAFGU ang namatay at apat iba pa ang malubhang nasugatan nang tambangan ng mga rebeldeng NPA ang kanilang convoy sa Brgy. Gupitan, Kapalong, Davao del Norte kamakalawa.

Naganap ang ambush dalawang araw makaraan ideklara ni Duterte ang tigil-putukan sa kanyang State of the Nation Address (SONA) at isang araw makalipas suspendihin ng militar at pulisya ang opensibang operasyon laban sa NPA.

Iginiit ni Duterte, nais niyang parusahan o panagutin ng liderato ng NPA ang mga responsible sa ambush gaya nang ginagawa ng militar sa nagkasala nilang mga tauhan. Matatandaan, inihayag ni CPP founding chairman Jose Ma. Sison, ang unilateral ceasefire declaration ni Pangulong Duterte ay dapat nakaugnay sa amnesty sa lahat ng political prisoners at pag-alis ng tropang militar sa mga lugar ng mga Lumad at mga komunidad na impluwensiyado ng NPA.

Kamakalawa ay tiniyak ni Duterte na bibigyan ng safe conduct pass si Sison at iba pang matataas na opisyal ng CPP-NPA-NDFP na lalahok sa peace talks sa Oslo, Norway sa Agosto 20-27.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *