Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

No HR violations sa anti-drugs campaign (Tiniyak ng PNP)

TINIYAK ng pamunuan ng pambansang pulisya, hindi malalabag ang karapatang pantao ng mga mamamayan sa lalong pinalakas na anti-illegal drugs campaign.

Ito’y kasunod nang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga napapatay sa inilulunsad na operasyon ng PNP.

Una rito, iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa PNP na triplehin pa ang kanilang trabaho lalo na sa kampanya kontra ilegal na droga at kriminalidad.

Batay sa datos ng PNP, pumalo na sa 289 drug suspects ang napatay.

Hindi pa kasama rito ang mga narerekober na mga patay na katawan na pinaniniwalaang biktima ng summary execution.

Ayon kay PNP Spokesperson SSupt. Dionardo Carlos, sisiguraduhin ng PNP na kanilang mapoprotektahan ang karapatang pantao ng bawat mamamayan.

Binigyang-diin ni Carlos, sakaling mayroong resistance o panganib sa buhay ng mga alagad ng batas ay kanilang dedepensahan ang kanilang mga sarili.

Kompiyansa ang PNP na magagawa nila ang inaasahan sa kanila ni Pangulong Duterte laban sa illegal drugs, criminality at corruption.

PRESSURE RAMDAM NG PNP SA DRUG WAR

HANDA ang Philippine National Police (PNP) na tumugon sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na triplehin ang kanilang kampanya laban sa ilegal na droga.

Ayon kay PNP spokesperson, Senior Supt. Dionardo Carlos, bagama’t ramdam nila ang presure sa utos ng pangulo, kayang-kaya nila itong gawin.

Katunayan aniya, binigyan nila ng taning na isang buwan ang lahat ng chief of police at provincial director para palakasin ang kanilang operasyon kontra-droga kung ayaw nilang mapalitan sa puwesto.

Habang tatlong buwan ang ibinigay na palugit sa regional director para paigtingin ang kampanya laban sa illegal drugs.

Tiniyak ni Carlos, maingat ang PNP sa kanilang mga isinasagawang operasyon lalo na sa ilegal na droga.

Sa ngayon, batay sa kanilang datos, pumalo na sa 289 indibidwal ang namatay sa operasyon.

MALALAKING AFP CAMPS TATAYUAN NG REHAB CENTER

NILINAW ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, hindi lahat ng kampo ng militar sa buong bansa ay tatayuan ng rehabilitation centers para sa sumusukong drug users at pushers mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Una rito, binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang panukala sa kanyang SONA.

Ayon kay Lorenzana, ang malalaking kampo lamang ng militar ang puwedeng tayuan ng mga bagong gusali na siyang magiging drug rehab centers.

Inihayag ng kalihim, kabilang sa kanilang ikinokonsidera ang Fort Magsaysay sa Nueva Ecija para sa Luzon.

Ang Camp Jamindan para sa Visayas at ang military camp sa may Bukidnon para sa Mindanao.

Paliwanag ni Lorenzana, kanila ring tinitingnan ang lawak ng mga kampo nang sa gayon maging “conducive” ito sa drug users at pushers na gusto nang magbagong buhay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …