Sunday , December 22 2024

5 presidente dumalo sa NSC meeting (Aquino inisnab si GMA)

DUMALO ang lahat na dating pangulo ng bansa sa ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kauna-unahang National Security Council (NSC) meeting kahapon.

Kabilang dito sina dating Pangulong Fidel Ramos, Joseph Estrada, Gloria Arroyo at Benigno Aquino III.

Layunin ng multipartisan dialogue sa NSC na magkaroon ng consensus sa gagawing polisiya at estratehiya sa pagtugon sa mahahalagang national concerns partikular ang ruling ng Permanent Court of Arbitration sa West Philippine Sea.

Ang NSC ay isang collegial body na chairman ang nakaupong Pangulo kasama bilang miyembro ang mga dating presidente ng bansa, mga kinatawan mula sa executive at legislative branches ng gobyerno, Vice President Leni Robredo, Senate President Koko Pimentel, House Speaker Pantaleon Alvarez, majority at minority leaders ng Senado at Kamara, chairperson ng mga Senate at House Committees na sangkot sa national security concerns at iba pang miyembro ng Gabinete.

Sa unang pag-convene ng NSC sa Duterte administration, ihaharap sa Council ang overview ng ‘Road Map for Peace and Development’ sa pamamagitan ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, gayondin ang update sa kampanya laban sa illegal drugs sa pamamagitan ng PDEA director general.

AQUINO INISNAB SI GMA

INISNAB ni dating Pangulong Benigno Aquino III si former President at ngayo’y Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal-Arroyo nang magkaharap sila sa National Security Council (NSC) meeting sa Palasyo kahapon.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay muling nagkasama-sama ang mga naging Pangulo ng Filipinas sa ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacanang.

Tanging si Aquino lang ang hindi kumamay kay Arroyo samantala sina dating Pres. Fidel Ramos at Joseph Estrada ay kinamayan ang kongresista.

Nakangiti lang si Arroyo nang deadmahin siya ni Aquino, base sa video footage ng PTV4.

Nang magsimula na ang NSC meeting dakong 3:00 pm, sa magkakasunod na upuan magkakatabi sina Arroyo, Ramos, Estrada at Aquino.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *